FOI, epektibo na sa Nov 25-Malacanang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Kinumpirma ng Malacanang na epektibo na sa ika-25 ng Nobyembre ang nilagdaang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng Freedom of Information.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, maari ng makakuha o magrequest ang publiko ng kopya ng mga government documents simula sa naturang petsa ng implementasyon ng naturang batas.

Bukod dito, pagbabahagi pa ng Kalihim, dumaan na sa kauukulang mga pagsasanay ang mga kawani ng pamahalaan para sa naangkop na pagtanggap at pagproseso ng isang opisyal na dokumento.

Kaugnay nga nito, sakop ng Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Duterte isang araw bago ang kanyang unang State Of the Nation Address o SONA ang lahat ng Departamento at Line Agencies na nasa ilalim ng Executive Branch tulad ng mga state universities at Local government units upang tuluyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.

Samantala, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey noong nakalipas na taon, lumabas na 56- porsyento ng mga Business Executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at Kamara.

Kaugnay nga nito, nauna ng pinuri at pinasalamatan ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng FOI na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,269 total reads

 93,269 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,433 total reads

 170,433 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,881 total reads

 203,881 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,180 total reads

 239,180 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,076 total reads

 462,076 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top