Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Kapanalig, ang Nobyembre 8 ay isang madilim na araw sa sa kasaysayan ng ating bansa. Sa araw na ito, tatlong taon na ang nakaraan, hinagupit ang ating bayan ng super typhoon Yolanda.

Ngayong taon, ang Nobyembre 8 ay nagkaroon ng magkaibang kahulugan. Para sa maraming bikitma ng martial law, tila bagyo din ang tumama sa kanila dahil sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na payagan nang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Marcos.

Paghihinagpis ang naramdaman ng maraming biktima dahil dito. Hindi pa nga naghihilom ang sakit na kanilang naranasan, tila nabubudburan pa ng ito ng asin. Isang konsolasyon para sa kanila ang mga kataga na binitiwan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ayon sa kanya, minamaliit ng desisyong ito ang sakit na naramdam ng mga biktima ng martial law.

Ayon sa Amnesty International, tinatayang mga 70,000 mga katao ang nakulong noong panahon ng martial law, at 34,000 ang natorture habang 3,240 ang napatay mula 1972 hanggang 1981. Libo libong tao ang nakaranas ng matinding pahirap o torture noon, gaya ng pambubugbog, pangongoryente, pananakal, may iba pa na pinaso ng sigarilyo at plantsa. Marami ang nakaranas ng “water cure” kung saan ang mga biktima ay pilit na pinaiinom ng sobra sobrang tubig matapos ay bubugbugin. Maraming mga kababaihan ang ginahasa at binaboy. Para sa mga biktimang ito, ang pagtawag na bayani sa isang pinuno ng malagim na panahon ng martial law ay pag-ulit ng kalapastanganang ginawa sa kanilang buhay.  

Ang paglipas ng panahon ay hindi kailanman magbubura sa katotohanang taglay ng mga karanasan ng mga biktima ng martial law. Hindi maunawaan ng kasalakuyang henerasyon ang bigat ng pangyayaring ito. Marahil dahil ang karahasan ay kanila ng nakikita sa araw araw. Ngayon, base na mismo sa datos ng pulisya, lampas 4,500 na ang namatay mula July 1 hanggang October 2016 sa ngalan ng giyera sa droga. Mas madami pa kaysa sa namatay noong panahon ng martial law.

Para sa ilan, ang paglibing ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani ay senyales ng pag-uumpisa ng paghihilom, para ika nga, mag-move on. Kaya lamang kapanalig, marami pang mga biktima ang hindi pa nakikita hanggang ngayon. Ayon nga sa iba, buti pa ang dating presidente, mahihimlay na sa libingan ng mga bayani matapos maratay sa isang temperature-controlled room. Pero maraming mga biktima ng martial law, nawala na lamang ng walang bakas. Walang bangkay na mailibing. Nasaan ang paghihilom kung hanggang ngayon wala pa ring hustisya?

Kapanalig, tayo ay ay kasalakuyang nasa “pivotal moment” ng ating kasaysayan. Binabago ng mga pangyayari ang ating mga depinisyon ng tama, ngunit kailangan nating manindigan, at sa puntong ito, ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay isang matibay na sandigan. Sa gabay nito, makikita natin na may mga bagay na legal, ngunit hindi natin masasabing moral. Isang hamon ang makikita natin sa mga kataga mula sa Octogesima Adveniens: Legislation is necessary, but it is not sufficient for setting up true relationships of justice and equality…If, beyond legal rules, there is really no deeper feeling of respect for and service to others, then even equality before the law can serve as an alibi for flagrant discrimination, continued exploitation and actual contempt.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 30,472 total views

 30,472 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 53,624 total views

 53,624 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 123,738 total views

 123,738 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 198,352 total views

 198,352 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 276,176 total views

 276,176 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 30,473 total views

 30,473 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 53,625 total views

 53,625 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 123,739 total views

 123,739 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 198,353 total views

 198,353 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top