MIYERKULES, NOBYEMBRE 30, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,079 total views

Kapistahan ni Apostol San Andres

Roma 10, 9-18
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Mateo 4, 18-22

Feast of Saint Andrew, Apostle (Red)

UNANG PAGBASA
Roma 10, 9-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat nananalig ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo’y napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas. Sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa kanya.” Walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Griego. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya ang nagkakaloob ng kanyang kayamanan sa lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”

Ngunit paanong tatawagan ng mga tao ang hindi nila sinasampalatayanan? Paano silang mananampalataya kung wala pa silang napapakinggan tungkol sa kanya? Paano naman silang makakapakinig kung walang nangangaral? At paanong makapangangaral ang sinuman kung hindi siya isinusugo? Ayon sa nasusulat, “O kay inam na makitang dumarating ang mga nagdadala ng Mabuting Balita!” Ngunit hindi lahat ay naniwala sa Mabuting Balita. Ganito ang sabi ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa sinabi namin?” Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristo.

Ngunit ang tanong ko’y hindi ba sila nakapakinig? Nakapakinig nga sila. Sapagkat, “Abot sa lahat ng dako ang tinig nila, at ang mga salita nila’y laganap sa sanlibutan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

ALELUYA
Mateo 4, 19

Aleluya! Aleluya!
Sumunod kayo sa akin
at kayo’y aking gagawing
katambal ko sa tungkulin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 4, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sa paglalakad ni Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila’y naghahagis ng lambat. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Hesus.

Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka, kasama ang kanilang ama, at naghahayuma ng lambat. Tinawag din sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 30
San Andres

Ihabilin natin ang ating mga kahilingan sa pangangalaga ng Diyos Ama kasama ng mga panalangin ni San Andres.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan na hinubog
sa pananampalataya ng mga apostol.

Ang ating mga pari na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y humarap sa hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mabibisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng patotoo ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinawag ng ating Panginoon upang maglingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na tumugon sa kanyang panawagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nagdadalamahati, mga naliligalig, at ang mga nagdurusa sa karamdaman ng isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga minamahal nating yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, habang naghahanda kami para sa pagdiriwang ng Pagkakatawang-tao ng iyong Anak, ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan, kaisa ni San Andres na Apostol. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 8,444 total views

 8,444 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 36,449 total views

 36,449 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,249 total views

 54,249 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,889 total views

 53,889 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,913 total views

 165,913 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Abril 22, 2026

 2,685 total views

 2,685 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Abril 21, 2026

 4,186 total views

 4,186 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Anselmo, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

Lunes, Abril 20, 2026

 4,186 total views

 4,186 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Abril 19, 2026

 2,804 total views

 2,804 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14. 22-23 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 Ituro mo

Read More »

Sabado, Abril 18, 2026

 2,112 total views

 2,112 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top