Kalayaan, pamaskong regalo ng Pangulong Duterte sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 322 total views

Umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na tutuparin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na pagkalooban ng Presidential Pardon at executive clemency ang mga matatanda at may malulubhang karamdaman na bilanggo.

Ayon kay Rudy Diamante – Executive Secretary ng Kumisyon, nararapat rin ikunsidera ng Pangulo ang mga bilanggong nakapag-silbi na ng 25-taon sa kanilang sentensya at pagbawas sa sentensya ng mga nahatulan ng habang-buhay na pagkakabilanggo.

Inihayag ni Diamante na sa ganitong paraan maipapadama ng pamahalaan sa mga bilanggo ang habag, awa at pagpapatawad ng Panginoon at maging ng Estado sa kanilang naging pagkakasala.

“Ang hinihiling sana namin, kahiit yung mga terminally ill, tapos yung noon pa ay naka-serve na ng more than 25 years and above. Sana mapag-aralan talaga ng husto ng Malacañang yung Mercy and Compassion to people in prison and then give them a second chance to live outside at yung mga nahatulan ng Life imprisonment na mabigyan nga talaga ng Executive Clemency or Conditional Pardon para mabasag naman yung kanilang sintensya…” pahayag ni Diamante sa Radio Veritas.

Inaasahan ang pagkakaloob ni Pangulong Duterte ng Presidential Pardon at executive clemency sa mga higit 80-taong gulang na mga bilanggo at mga nakapag-silbi na ng 40-taon sa kanilang sintensya, kung saan bukod sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga mapipiling bilanggo ay isang paraan rin ito upang mapaluwag ang mga bilanguan sa bansa.

Sa kasalukuyan, batay sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) aabot na sa higit 100-libo ang bilang ng mga bilango sa higit 400 kulungan sa buong bansa na nakalaan lamang para sa 26-na-libong inmates.

Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan.

Samantala, unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay labag sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon na magbagongbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 33,259 total views

 33,259 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 39,388 total views

 39,388 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 69,530 total views

 69,530 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 89,487 total views

 89,487 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 109,109 total views

 109,109 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 7,451 total views

 7,451 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,376 total views

 7,376 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top