Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, DISYEMBRE 16, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,537 total views

Ika-16 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Isaias 56, 1-3a. 6-8
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Juan 5, 33-36

16th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 56, 1-3a. 6-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
“Ayon sa katarungan
at laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y
di na magluluwat, ito ay darating,
ito’y mahahayag sa inyong paningin.
Mapalad ang taong gumagawa nito,
ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.
Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga,
sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas.”
Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
na siya’y hindi papayagan ng Panginoon
na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon
sa mga dating dayuhan na ngayo’y
kabilang sa kanyang bayan,
buong pusong naglilingkod sa kanya,
nangingilin sa Araw ng Pamamahinga;
at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
“Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok.
Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Tatanggapin ko ang inyong mga handog,
at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
Ipinangako pa ng Panginoon,
sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,
na marami pa siyang isasama sa kanila
para mapabilang sa kanyang bayan.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nag-aning mabuti ang mga lupain,
pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Halina’t kami’y dalawin.
Kapayapaan mo’y dalhin
upang umiral sa amin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 5, 33-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Unang Araw

Sa pagsisimula ng Simbang Gabi, idulog natin ang ating mga kahilingan sa Panginoon nang may mga pusong puspos ng pag-asa at pagtitiwala habang sinasabi nating:

Halina, Panginoong Hesus, kailangan ka namin!

Para sa Simbahang panlahat: Nawa matugunan niya ang panawagan ng Panginoon para sa pagbabago alinsunod sa ilaw ng Ebanghelyo upang maging inspirasyon sa sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng mga pinunong espirituwal: Nawa, tulad ng mga propeta noong araw, maipaalaala nila sa atin ang mga tunay na dapat pahalagahan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa: Nawa ipagdiwang nila ang ganitong Nobena nang taimtim at may pagmamahal kay Kristo sa Eukaristiya. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng walang trabaho, walang tirahan, maysakit o nagdurusa: Nawa pukawin sa kanilang pagsisimula ng Simbang Gabi ang matibay na pag-asa para sa magandang pagbabago. Manalangin tayo!

Para sa mga Pilipinong mag-anak, lalo na ang nahaharap sa iba’t ibang pagsubok: Nawa ang Nobenang Pamaskong ito’y maging bukal ng paggaling at pagpapalakas. Manalangin tayo!

Para sa ating mga kabataan: Nawa’y hindi sila maakit ng mga bagay na makamundo, sa halip ay pagsikapan nilang hanapin ang Panginoon ng buo nilang puso upang sa bawat gawain sila ay gabayan ng katanungang: “Ano ang maaaring gawin ni Hesus?” Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan: Nawa ang Nobenang ito’y maging isang pagkakataong lalong mapalapit sa Panginoon at muling magpahalaga sa ating pananampalataya. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, itulot mong ang Simbang Gabing ito’y maging panahon ng taimtim na pagbabagong espirituwal. Nawa masikap kaming makapaghanda para sa pagdiriwang ng iyong kaarawan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 15,168 total views

 15,168 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 36,233 total views

 36,233 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 59,255 total views

 59,255 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 98,485 total views

 98,485 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 1,120 total views

 1,120 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 2,500 total views

 2,500 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 3,938 total views

 3,938 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,484 total views

 4,484 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

Lunes, Hunyo 22, 2026

 3,820 total views

 3,820 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Paulino ng Nola, obispo o kaya Paggunita kay San Juan Fisher, obispo,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top