Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Agapan ang banta sa food security

SHARE THE TRUTH

 842 total views

Mga Kapanalig, mahalagang sangkap sa pagluluto ng pagkaing Pilipino ang bawang, sibuyas, at asin. Ngunit kamakailan lang, dumagdag ang mga ito sa mga produktong kapos ang suplay kaya’t mataas ang presyo sa pamilihan. Ang sunud-sunod na krisis sa suplay ng ating pagkain ay malaking banta sa pagkakaroon natin ng tinatawag na food security. Mayroon tayong seguridad sa pagkain kung ang lahat ng tao sa lahat ng oras ay may access sa sapat, ligtas, at masustansyang pagkain. Dapat na naaangkop ang mga pagkaing ito sa diyeta at kultura upang magkaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay.

Sa isang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, inamin ng ating mga opisyal sa gobyernong dumaranas tayo ng kakulangan sa sibuyas at bawang. Ayon sa taga-Bureau of Plant Industry, ang pinagsamang suplay ng locally-produced at imported na sibuyas ay tatagal lamang ng walo hanggang siyam na buwan mula noong Enero. Paglilinaw ng ahensya, tumagal lang ng limang buwan ang imported na puting sibuyas noong Enero, habang ang ani noong nakaraang buwan ng Marso at Abril ay tinatayang tatagal lang ng tatlo hanggang apat na buwan. Ayon naman sa datos ng Department of Agriculture, kulang din ang bansa sa suplay ng bawang at umaasa lang tayo sa importasyon. Sa usapin naman ng asin, bagamat nilinaw ng Department of Trade and Industry na sapat ang ating suplay, aakalain ba ninyong sa bansa nating napaliligiran ng tubig-alat, lumalabas na higit sa 90% ang inaangkat nating asin mula sa ibang bansa? Ito raw ay dahil marami sa ating salt farmers ay walang sapat na kakayanan at resources na mamuhunan sa teknolohiyang makatutulong sa kanilang maging produktibo.

Nitong Hunyo, inanunsyo ng United Nations (o UN) na maraming bansang may kinakaharap at kakaharaping krisis sa pagkain. Sa loob lamang ng dalawang taon, dumoble nang higit sa 276 milyon ang bilang ng mga taong food insecure o walang katiyakan sa pagkain. Nakababahala ang pangmatagalang epekto ang isyu ng food insecurity sa ating lipunan—dadami ang mga batang malnourished at bansot, madadagdagan ang mga babaeng hindi makapag-aaral at mapipilitang magtrabaho o kaya ay magpakasal, at dadami ang mga taong mas madaling kapitan ng sakit at karamdaman dahil sa kakulangan ng nutrisyon sa katawan.

Sa ganitong kalagayan, ang mga mahihirap at maralita ang nagdurusa. Para naman sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino, ang patuloy na pag-aangkat ng mga produktong pagkain mula sa ibang bansa ay pumapatay sa kabuhayan nila at ng iba pang mga nasa sektor ng agrikultura. Sa kinahaharap na krisis sa pagkain, mahalagang pagtuunan ng pansin, lalo na ng pamahalaan, ang pagkakaroon ng pangmatagalang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagpapalakas sa lokal na produksyon ng agrikultura.

Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang kawalan ng katiyakan sa pagkain ay hadlang sa karapatan ng isang taong mabuhay nang may dignidad. Gaya ng mensahe ni Pope Francis noong 2019, isang hindi makatao at hindi makatarungang katotohanan ngayong mayroong pagkain para sa lahat ngunit marami ang nagugutom, at sa ilang bahagi ng mundo, ang labis-labis na pagkain ay nasasayang at itinatapon lamang.[6] Ang pagkakaroon ng ganap buhay ay nangangahulugang nakakamit ng bawat tao ang sapat at masustansyang pagkain upang magkaroon ng kanyang buhay na may dignidad.

Mga Kapanalig, pangunahing banta sa buhay at dignidad ng milyun-milyong tao ang kahirapan at kagutuman kaya mahalagang nagbibigay din ang pamahalaan ng mga programa at suportang tutulong sa kabuhayan ng mga mahihirap, mga magsasaka, at mangingisda. Mahalaga ito sa pagsasakatuparan ng pangako ng Panginoon sa Mga Awit 146:7 na bibigyan Niya ng katarungan ang mga inaapi, at bibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,316 total views

 18,316 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,404 total views

 34,404 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,121 total views

 72,121 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,072 total views

 83,072 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,574 total views

 26,574 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 18,318 total views

 18,318 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,406 total views

 34,406 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,123 total views

 72,123 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,074 total views

 83,074 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,167 total views

 92,167 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,894 total views

 92,894 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,683 total views

 113,683 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,144 total views

 99,144 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,168 total views

 118,168 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top