Gawain ng mga Katekista: Paglilingkod sa kawan at Panginoon-Archbishop Valles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,217 total views

Tanda ng pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan ang patuloy na paglilingkod ng mga katekista.

Ito ang mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles sa paglunsad ng catechetical month sa arkidiyosesis sa misang ginanap sa San Pedro Cathedral.

Ayon sa dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kapuri-puri ang gawain ng mga katekista sa masigasig na pagpapalaganap ng turo ng Panginoon gayundin ang paghuhubog sa mga kabataan.

“Diha sa inyong pagpangalagad daghang mga higayon walay thank you, walay pasalamat. Ayaw pagsalig sa pagdayeg sa mga pari, pagdayeg sa mga obispo. Kung magkulang kami, dili kami ang inyong gi-alagaran. Diha kaninyo makita nato ang Diyos kanunay nag-atiman,” mensahe ni Archbishop Valles.

[Sa inyong paglilingkod maraming beses na walang pasasalamat. Huwag asahan ang papuri mula sa mga pari o obispo. Kung nagkulang man kami [pari], hindi kami ang inyong pinaglilingkuran. Sa inyong paglilingkod nakikita na hindi pinababayaan ng Diyos ang sangkatauhan.]

Una nang pinuri ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga katekista sa masigasig na pagbabahagi ng turo ng simbahan sa mga paaralan upang hubugin ang espiritwalidad ng mamamayan lalo na ang kabataan.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies ng University of Santo Tomas nasa 50-libo ang mga katekista sa buong bansa.

Tema ng catechetical month ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ” bilang paalala sa bawat isa na magbuklod tungo sa misyon ni Kristo.

Itinalaga ng simbahan sa bansa ang Setyembre bilang Catechetical Month bilang pagkilala sa unang Pilipinong martir na santo na si San Lorenzo Ruiz na isang katekista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 25,655 total views

 25,655 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 52,306 total views

 52,306 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 147,364 total views

 147,364 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 168,923 total views

 168,923 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 182,243 total views

 182,243 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top