Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,267 total views

Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25

Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang? Saan ka lalagay? Obvious ba?

Madaling pumili kung obvious ang pagpipilian. Pero iyun na nga ang problema, kung minsan ang akala mong mabuti ay makasasama pala; ang akala mong bubuhay sa iyo ay nakamamatay pala. Ang akala mong pakinabang ay pagkalugi pala. Ang tunay na hamon ay wala sa pagpili kundi sa pagkilatis sa mga pagpipilian. Pag sinabi mong AKALA KO KASI, ibig sabihin nabudol ka. Pumili kasi kaagad nang di man lang sinuri ang pagpipilian. Lahat ng “akala” ay mali, at siyempre, kasabihan nga natin, ang laging nasa huli ay… pagsisisi.

Ang dimonyo mahusay sa advertising. Mabenta ang tinda niya sa mga taong hindi gaanong nag-iisip. Kaya kailangan natin ang panahong ito ng kuwaresma—panahon para sa ibang klaseng pagsasanay, pagsasanay ng kaluluwa sa mga disiplina ng pananalangin at pagkilatis o pagpili nang tama. Maraming beses kasi tayong hahantong sa mga sangandaan sa paglalakbay natin dito sa mundo. Sabi nga ng theme song sa lumang pelikulang Sister Stella L., “Aling landas ang susundin ng puso? Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo?”

Hindi ba nakapagtataka na kahit nilinaw naman ni Hesus na ang pinapasok niya ay magdudulot ng pagdurusa at kamatayan, mayroon pa ring sumusunod sa kanya? Intelihente o matalino ang tawag natin sa mga marurunong. Pero maraming mga taong kahit marurunong ay napapariwara pa rin. Lalo na kapag ang karunungan na natutunan ay katusuhan, o husay at galing sa pansarili lamang. Pwede bang mabuo o mabigyang kaganapan ang ating pagkatao kung pansarili lamang ang alam natin? Kung di tayo matutong magbigay, magbahagi, magparaya, magmalasakit, magmahal, at maghangad ng layuning lampas sa sarili natin?

Marami daw klase ng karunungan—may mahusay sa arte o sining, may matalino sa pangangatwiran, may magaling sa pamumuno at pangangasiwa, may matinik sa negosyo, may mabilis sa pakiramdaman. Ang Kuwaresma ay panahon ng pagsasanay para sa espiritwal na karunungan o “spiritual intelligence”. Nakatutuklas ng ibang klaseng kaligayahan hindi lang sa pagtanggap kundi sa pagbibigay na walang hinihintay na kapalit. Nananalangin para matuklasan sa kalooban ng Diyos ang tunay nating kalooban. Nagpapakagutom dahil may hinahangad na ibang klaseng kabusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 98,709 total views

 98,709 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 120,819 total views

 120,819 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 195,318 total views

 195,318 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 191,786 total views

 191,786 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 5,768 total views

 5,768 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 6,826 total views

 6,826 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 4,682 total views

 4,682 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »

ANG TUNAY NA KALABAN

 5,520 total views

 5,520 total views Homiliya para sa Martes Santo, 31 Marso 2026, Jn 13:21-33, 36-38 Nang sabihin ni Hesus na may isa sa kanila na magtataksil sa

Read More »
Scroll to Top