Sen. Hontiveros, nakikikiisa sa Circles of Discernment ng simbahan kaugnay sa kahalagahan ng Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,278 total views

Nakikiisa ang mambabatas sa Senado sa plano ng Simbahang Katolika na magsagawa ng mga pagtitipon, talakayan at circles of discernment upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa mahalagang pakikibahagi ng Simbahan sa inilunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA!,-upang higit na maipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan para sa kapakanan ng buong bayan.

Ayon kay Hontiveros, naangkop ang hakbang na pagsasagawa ng circles of discernment ng Simbahan upang mabigyan ng kaalaman ang taumbayan sa pagpapasya para sa kinabukasan ng bansa.

“Ini-echo ko yung imbitasyon ni Fr. Tony Labiao [Caritas Philippines Executive Director] na magdadaos muli ang Simbahang Katolika ng mga circles of discernment na una na pong isinulat ng mga Obispo sa kanilang sulat pastoral several years ago…” Ang bahagi ng pahayag ni Hontiveros sa Radio Veritas.

Naniniwala naman ang Senador na naangkop lamang din na makibahagi ang mga mambabatas sa isasagawang circles of discernment upang higit na mamulat ang kamalayan at paninindigan ng mga katungkulan na isakatuparan ang kanilang tungkulin na paglingkuran, pakinggan ang mga hinaing, at pangangailangan ng taumbayan at hindi ang interes ng iilan.

“Yung imbitasyon din na imbitahin din daw kaming mga mambabatas at yung mga lider naman natin sa executive, sumali sa discernment process na ito para kaming lahat ay mamulat na talagang ang dapat tugunan ay yung mga hinaing talaga ng mamamayan, ang mga hiling ng karaniwang tao at hindi yung pagkasangkapan sa Konstitusyon at pagbabastos actually sa Konstitusyon para lang sa interes ng iilan.” Dagdag pa ni Senator Hontiveros.

Una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas at magabayan ang mamamayan.

Nagpalabas na rin ng manifesto ang Senado hinggil sa mariing pagtutol sa People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha-cha) na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution na pinangangambahan ng mga Senador na maipasa ang pagbabago ng Saligang Batas at maisantabi ang kanilang 24 na boto kumpara sa mahigit 300 boto ng mga kongresista.

Ang KOALISYON LABAN SA CHACHA! ay binubuo ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas-ang sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,732 total views

 9,732 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,461 total views

 77,461 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,613 total views

 100,613 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,728 total views

 170,728 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,754 total views

 244,754 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 9,900 total views

 9,900 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top