Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,314 total views

Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25

Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang? Saan ka lalagay? Obvious ba?

Madaling pumili kung obvious ang pagpipilian. Pero iyun na nga ang problema, kung minsan ang akala mong mabuti ay makasasama pala; ang akala mong bubuhay sa iyo ay nakamamatay pala. Ang akala mong pakinabang ay pagkalugi pala. Ang tunay na hamon ay wala sa pagpili kundi sa pagkilatis sa mga pagpipilian. Pag sinabi mong AKALA KO KASI, ibig sabihin nabudol ka. Pumili kasi kaagad nang di man lang sinuri ang pagpipilian. Lahat ng “akala” ay mali, at siyempre, kasabihan nga natin, ang laging nasa huli ay… pagsisisi.

Ang dimonyo mahusay sa advertising. Mabenta ang tinda niya sa mga taong hindi gaanong nag-iisip. Kaya kailangan natin ang panahong ito ng kuwaresma—panahon para sa ibang klaseng pagsasanay, pagsasanay ng kaluluwa sa mga disiplina ng pananalangin at pagkilatis o pagpili nang tama. Maraming beses kasi tayong hahantong sa mga sangandaan sa paglalakbay natin dito sa mundo. Sabi nga ng theme song sa lumang pelikulang Sister Stella L., “Aling landas ang susundin ng puso? Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo?”

Hindi ba nakapagtataka na kahit nilinaw naman ni Hesus na ang pinapasok niya ay magdudulot ng pagdurusa at kamatayan, mayroon pa ring sumusunod sa kanya? Intelihente o matalino ang tawag natin sa mga marurunong. Pero maraming mga taong kahit marurunong ay napapariwara pa rin. Lalo na kapag ang karunungan na natutunan ay katusuhan, o husay at galing sa pansarili lamang. Pwede bang mabuo o mabigyang kaganapan ang ating pagkatao kung pansarili lamang ang alam natin? Kung di tayo matutong magbigay, magbahagi, magparaya, magmalasakit, magmahal, at maghangad ng layuning lampas sa sarili natin?

Marami daw klase ng karunungan—may mahusay sa arte o sining, may matalino sa pangangatwiran, may magaling sa pamumuno at pangangasiwa, may matinik sa negosyo, may mabilis sa pakiramdaman. Ang Kuwaresma ay panahon ng pagsasanay para sa espiritwal na karunungan o “spiritual intelligence”. Nakatutuklas ng ibang klaseng kaligayahan hindi lang sa pagtanggap kundi sa pagbibigay na walang hinihintay na kapalit. Nananalangin para matuklasan sa kalooban ng Diyos ang tunay nating kalooban. Nagpapakagutom dahil may hinahangad na ibang klaseng kabusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 518 total views

 518 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 23,669 total views

 23,669 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 93,782 total views

 93,782 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 168,396 total views

 168,396 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 248,441 total views

 248,441 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 23,340 total views

 23,340 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 87,359 total views

 87,359 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 37,669 total views

 37,669 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 41,509 total views

 41,509 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top