Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,098 total views

Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25

Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias tungkol sa tinatawag kong Mahiwagang Lingkod. Apat na tula na hindi pinapalitan o binabago sa mga pagbasa taon-taon tuwing Holy Week: iyung una—binabasa tuwing Lunes Santo (42:1-7), ang pangalawa—tuwing Martes Santo (49:1-6), ang pang-apat naman ay sa Biyernes Santo (53:1-12). Ang pangatlo ay ngayon Miyerkoles Santo (50:4-9).

Itong apat na ito ang naging pundasyon ng pagsusumikap ng mga unang alagad na mabigyang kahulugan ang pagdurusa at kamatayan sa krus ni Jesus Nazareno, kahit wala siyang kasalanan. Hindi na parusa o pagsubok ang tingin sa pagdurusa sa mga panulat na ito ng propeta, kundi kakaibang paraan ng pagliligtas: redemptive suffering o pagdurusang tumutubos.

Ang mga kuwentong superheroes kadalasan ay kuwentong pagliligtas. Mamamagitan ang superhero para hindi mapahamak ang ililigtas niya. Pero siya mismo, hindi naman napapahamak. Dito kakaiba ang paraan ni Hesus, na naunawaan ng mga unang Kristiyano bilang katuparan ng paraan ng pagliligtas ng Mahiwagang Lingkod. May kapalit ang kaligtasan ng inililigtas—ang pagkapahamak ng nagliligtas. Ang tawag natin dito sa Tagalog ay pagtubos. Sariling buhay ang kapalit bilang pantubos sa minamahal.

Magpahanggang ngayon, parang ito ang napaka-hirap unawain at tanggapin tungkol sa paraan ni Kristo. Malinaw na malinaw ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Walang gustong magpaubaya o magbigay. Para sa America, kung susunod ang Iran sa 15 kundisyon ni Trump, ititigil nila ang giyera. Para sa Iran, sila ang inatake, at ang pag-atake nila at pagsara sa Strait of Hormuz ay ganti lang nila sa ginawa sa kanila. Titigil sila at bubuksan ang strait of Hormus kung aamin ang Amerika at Israel sa pagkakamali nila, kung pagbabayaran nila ang idinulot na perwisyo sa bansa nila.

Tatlong relihiyon ang sakangkot sa giyerang ito: Hudyo, Kristiyano, at Muslim—na kung tutuusin ay pare-pareho ang pinagmulan , kaya tinatawag na Abrahamic faiths, o pananampalatayang nagmula kay Abraham. Pero kakaiba ang tinig ni Papa Leon nitong mga nagdaang araw. Sabi niya, “Hindi pwedeng gamitin ang relihiyon bilang justification sa giyera. Paglapastangan sa ngalan ng Diyos ang paggamit sa Diyos bilang justification ng giyera.” Sabi pa niya, “Ang panalangin ng mga taong walang makitang ibang solusyon sa hidwaan kundi giyera ay hindi pakikinggan ng Diyos, dahil may bahid na dugo ang mga kamay nila.”

Ayon kay San Juan, batay sa kanyang kuwento ng pasyon, mulat daw si Hesus sa nangyayari sa kanya. Pero nanindigan pa rin siya, hindi umatras. Alam niyang ipagkakanulo siya, ipapaaresto at papatawan ng parusang bitay, pero hindi siya umalma o lumaban. Hindi rin niya pinayagan ang mga alagad niya na gumamit ng armas para ipagtanggol ang sarili.

Tama si San Pablo sa pangaral niya sa mga Kristiyano sa Roma: “Idalangin ninyo sa Diyos na pagpalain niya, kahit ang mga umuusig sa inyo. Pagpalain n’yo sila sa halip na sumpain. Makigalak sa mga nagagalak, makipagluksa sa nga nagluluksa… Huwag gantihan ng masama ang masama. Talunin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan.” (Rom 12:9-17)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,162 total views

 7,162 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,167 total views

 35,167 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,967 total views

 52,967 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,676 total views

 52,676 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,818 total views

 164,818 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMMUNION

 2,017 total views

 2,017 total views Homily for the Coronation Feast of Our Lady of the Rosary of Manaoag, 19 April 2026 – 3rd Sunday of Easter (Lk 24:13–35)

Read More »

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 12,218 total views

 12,218 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 13,248 total views

 13,248 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »

ANG TUNAY NA KALABAN

 11,230 total views

 11,230 total views Homiliya para sa Martes Santo, 31 Marso 2026, Jn 13:21-33, 36-38 Nang sabihin ni Hesus na may isa sa kanila na magtataksil sa

Read More »
Scroll to Top