12 Formators of the Word and Sacraments, huhugasan ang mga paa ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,041 total reads

Nakatakdang huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang 12 “Formators of the Word and Sacraments” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Huwebes Santo, Abril 2, 2026, ganap na alas-5 ng hapon sa Manila Cathedral.

Binubuo ang mga lalahok ng iba’t ibang lingkod ng Simbahan, mga pari, madre, katekista, lider ng Basic Ecclesial Communities, at mga laykong tagapagpahayag ng pananampalataya na kumakatawan sa patuloy na misyon ng Simbahan na magturo, maglingkod, at magpabanal ng sambayanan.

Pinili ang mga huhugasan ng paa mula sa isinagawang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly noong Pebrero 2026 na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba at mapaglingkod sa loob ng Simbahan, lalo na sa mga tinatawag na “formators” o gabay sa Salita at mga Sakramento.

Kabilang sa huhugasan ng paa ng Kardinal sina Fr. Carlo Magno Marcelo, Sr. Leysis Navarro, MSP, Ms. Rosalina Flores, Mr. Jomer Viteno, Ms. Glaiza Maria Magna, Ms. Nesie Dela Cruz, Ms. Isa Reyes, Mr. Arun Gogna, Mr. Jan Silan, Mr. Xavier Apostol, Mr. Noe Dora, at Mrs. Angela Silan.

Ang paghuhugas ng paa, na tinatawag ding Mandatum, ay hango sa ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan kung saan hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad bilang tanda ng sukdulang kababaang-loob at paglilingkod.

Sa turo ng Simbahan:
• Pagpapakumbaba – Ipinapakita na ang tunay na pinuno ay handang maglingkod, hindi maghari.
• Paglilingkod – Hinahamon ang bawat Kristiyano na unahin ang kapwa, lalo na ang higit na nangangailangan.
• Pag-ibig – Isinasabuhay ang utos ni Kristo na “mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig Ko sa inyo.”

Ang paghuhugas ng paa ay hindi lamang simbolikong gawain kundi paanyaya sa bawat mananampalataya na isabuhay ang diwa ng sakripisyo at malasakit sa araw-araw.

Matatandaang noong 2025, hinugasan din ni Cardinal Advincula ang paa ng mga indibidwal na sumasalamin sa pag-asa at pag-ibig sa gitna ng hamon ng lipunan patunay na ang Simbahan ay patuloy na kumikilala sa mga tahimik na lingkod ng pananampalataya.

Sa pagdiriwang ng Huwebes Santo, muling pinaaalalahanan ang mga mananampalataya na ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa kakayahang maglingkod, gaya ng ipinamalas ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,422 total reads

 67,422 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,740 total reads

 99,740 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,566 total reads

 201,566 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,124 total reads

 242,124 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,838 total reads

 259,838 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top