Ipagpatuloy ang ministeryo ng may katapatan, mensahe ni Pope Leo XIV kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,921 total reads

Hinikayat ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ipagpatuloy ang kanyang ministeryo nang may katapatan at ganap na pagsunod sa tinig ni Kristo.

Ito ang mensahe ng santo papa sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo sa pagpapari at ika – 25 taon ng pagiging obispo ng cardinal ngayong 2026.

“We pray that, always listening to the voice of Christ, you may continue to fulfill your ministry in fidelity and obedience,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Kinilala rin ni Pope Leo ang pamumuno ni Cardinal Advincula sa Simbahan, partikular sa pangangalaga sa kaparian, paghuhubog ng mga seminarista, at pagpapatatag ng pagkakaisa ng mga mananampalataya.

“We reflect on your care for the clergy, the formation of seminarians, and the faithful entrusted to you, whom you have led commendably in unity.”

Binigyang-pugay din ng punong pastol ng Simbahang Katolika ang mahalagang papel ng Kardinal sa mas malawak na misyon ng Simbahan, kabilang ang kanyang paglilingkod sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at sa iba’t ibang tanggapan ng Apostolic See.

“Your diligent service in the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and in various Dicasteries of the Apostolic See.”

Ipinagkaloob ng Santo Papa ang kanyang Apostolic Blessing hindi lamang sa Kardinal kundi maging sa kanyang mga katuwang sa ministeryo at sa buong sambayanan.

Ang mensahe ng Santo Papa ay patunay ng patuloy na pakikiisa ng Vatican sa Simbahan sa Pilipinas, lalo na sa pamumuno ni Cardinal Advincula na inaasahang magpapatuloy sa paggabay sa kawan ng Diyos sa diwa ng katapatan, pagkakaisa, at paglilingkod.

Si Cardinal Advincula ay inordinahang pari ng Archdiocese of Capiz noong April 14, 1976 habang naging obispo ng San Carlos noong September 8, 2001.

Binasa ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mensahe ng santo papa para sa kardinal sa ginanap na Chrism Mass nitong Holy Thursday, April 2, sa Manila Cathedral.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,147 total reads

 17,147 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,384 total reads

 81,384 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,172 total reads

 118,172 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,746 total reads

 148,746 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,387 total reads

 198,387 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 259,985 total reads

 259,985 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top