Austerity measures, ipinatupad ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,038 total reads

Naglabas ng pastoral advisory si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo para sa kaparian ng diyosesis kaugnay ng nararanasang krisis na dulot ng patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

Sa liham sirkular na ipinadala sa lahat ng mga pari ng Diyosesis ng Kidapawan, hinikayat ng Obispo ang pagkakaisa ng Simbahan lalo na sa panahon ng Mahal na Araw, kasabay ng panawagan na pagnilayan ang paghihirap ng Panginoon at ang kalagayan ng mamamayan.

“This also urgently calls us to consciously reflect, pray and do something about the great difficulty and hardships that we and our people experience,” Bahagi ng liham sirkular ni Bishop Bagaforo.

Bilang pakikiisa sa mga apektado ng krisis, inilatag ni Bishop Bagaforo na siya ring Co-President ng Pax Christi International ang ilang konkretong hakbang ng diyosesis para sa Simbahan, kabilang ang pagpapatupad ng austerity measures.

“Austerity measures: Please minimize expenses and reduce fuel consumptions,” Dagdag pa ni ni Bishop Bagaforo.

Pinayuhan din ni Bishop Bagaforo ang mga Pari na ipagpaliban ang mga hindi agarang gastusin at maging sensitibo sa kakayahang pinansyal ng mga mananampalataya.

“Take on hold all extraordinary or capital expenses and be extra sensitive to our people’s economic situation,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Hinihikayat din ng Obispo ang mga parokya na maglunsad ng mga programa para sa mahihirap tulad ng feeding programs, relief assistance, at community pantry, gamit ang pondo mula sa Alay Kapwa.

“Please take the initiative to have programs for the poor… Let us extend help, lighten burdens, and give hope to our people,” Panawagan ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo ang tungkulin ng mga Pari bilang mga pastol ng kawan, na tinatawag na maglingkod at magbigay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok sa lipunan.

Samantala, ipinanalangin din ng Obispo ang paggabay ng Mahal na Birhen sa lahat ng mananampalataya sa gitna ng mga hamon kinahaharap ng daigdaig.

Inaasahang mananatili ang nasabing pastoral advisory hanggang sa bumuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na kasalukuyang naaapektuhan ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 69,128 total reads

 69,128 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,367 total reads

 101,367 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,193 total reads

 203,193 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,751 total reads

 243,751 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 261,393 total reads

 261,393 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,704 total reads

 52,704 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top