We have to face it to resolve it, Cardinal Advincula sa mental health crisis ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,225 total reads

Batid ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lumalalim na hamon sa kalusugang pangkaisipan ng mga pari sa bansa.

Sa pagdiriwang ng Chrism Mass sa Manila Cathedral, kinilala ng kardinal ang mga pag-aaral hinggil sa kalagayang pangkalusugan ng mga pari at binigyang diin na hindi ito dapat na ipagwalang bahala.

“about 18% reported that they are psychologically distressed… almost one in every five priests is undergoing a mental difficulty or emotional burden. This is a concern we cannot ignore anymore and we have to face it to resolve it,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi rin nito na maraming pari ang nakararanas ng depresyon, pagkabalisa, pag-iisa, at matinding pagkapagod sa ministeryo.

Sa kanyang pagninilay, hinimok ng Kardinal ang kaparian na harapin ang kanilang pinagdaraanan at huwag itago ang nararamdaman.

“The danger is not that we grow tired but that we refuse to recognize it… what is not offered to God cannot be healed,” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din ng pastol na mahalaga ang ugnayan at pakikipagkapwa sa kapwa pari upang malampasan ang mga pagsubok.

“In the priesthood, isolation can drain us, but communion will sustain us and heal us,” aniya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Kardinal ang kaparian na hindi nakabatay sa gawain ang kanilang pagkakakilanlan kundi sa kanilang bokasyon bilang mga lingkod ng Diyos.

Hiniling ni Cardinal Advincula ang panalangin ng mananampalataya para sa kaparian.

“Umaasa kami sa mga panalangin ninyo upang mapabuti kaming mga pari ninyo habang kami ay naglilingkod sa inyo,” panawagan ng arsobispo sa mga mananampalataya.

Kasama ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina Papal Nuncio to the Philipines Archbishop Charles Brown, Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, at mga pari ng arkidiyosesis.

Kinilalala sa pagdiriwang ang mga jubilarian priests ng arkidiyosesis kabilang na si Cardinal Advincula sa kanyang ika – 50 anibersaryo ng pagkapari, ika – 25 anibersaryo ng pagiging obispo.

Kinilala rin si Cardinal Rosales sa kanyang mahigit anim na dekadang ministeryo at pagiging pastol ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,349 total reads

 68,349 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,623 total reads

 100,623 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,449 total reads

 202,449 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,007 total reads

 243,007 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,687 total reads

 260,687 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top