Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na makiisa sa misyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,542 total views

Binigyang-diin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang misyon ng buong Simbahan sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental noong Miyerkules Santo, Abril 1, 2026 sa St. Charles Borromeo Cathedral Parish.

Ayon sa Obispo, ang Chrism Mass ay isang natatangi at mahalagang sandali ng pakikipagkaisa bilang isang Simbahan at isang sambayanan ng Diyos na iisang pinahiran ng banal na langis at isinugo ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, mahalaga ang pagkakaisa ng buong sambayanan ng Diyos na pawang tinatawagan na maging katuwang ng Simbahan para sa patuloy na pagsasakatuparan ng misyon ni Hesus sa lipunan.

“We are gathered as one church, as one people of God, as one anointed community. This is the beauty of the Chrism Mass. A moment of unity and communion. A sign that we walk together as one body. A visible expression that the Church is not divided into some who are holy and others who are not. But all, every one of us, are called, are loved, all are anointed, all are sent. Different yet one. Equal in dignity and sent on mission.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaalala rin ni Bishop Alminaza na ang bawat mananampalataya ay may pantay na dignidad at tinatawag na makibahagi sa misyon ng Simbahan bilang pari, propeta, at hari.

Binigyang-diin din ng Obispo na sa gitna ng lumalalang kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at katiwalian hindi lamang sa mundo, kundi lalo na sa Negros ay nangangailangan ang sanlibutan ng paghilom at pagkilos ng Simbahan.

“Rising cost of living, poverty and inequality… corruption and tolerated evils… a wounded environment,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang pagpapahid ng langis ay hindi pribilehiyo kundi pananagutan na isabuhay ang misyon ni Kristo para sa kapwa, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang mga pari na tingnan ang kanilang mga bagong atas hindi bilang gantimpala kundi bilang misyon.

Paliwanag ng Obispo, kaakibat ng mga atas sa mga Pari ang misyon na iniatang ni Hesus upang gabayan ang bawat isa patungo sa pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sanlibutan.

“Today, my dear brother priests, we receive new assignments. Let us see them not only as clergy movement or transfer, but as part of the mission of the whole Church. Assignments are not rewards. They are missions entrusted in love. Where you are sent is where Christ is waiting. And where we are sent, the people of God are already there. The Spirit is already at work.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Bukod dito, nanawagan si Bishop Alminaza ng mas malalim na pagsasabuhay ng synodality o sama-samang paglalakbay bilang Simbahan.

Hinimok din ng Obispo ang lahat ng mga pari, relihiyoso, at layko na makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, pagtulong sa mahihirap, pangangalaga sa kalikasan, at paninindigan laban sa katiwalian.
“Who will bring the good news to the poor… stand against injustice… demand accountability? Not just us, but all of us,” Giit ni Bishop Alminaza.

Samantala, pinaalalahanan din ni Bishop Alminaza ang mga mananampalataya na ang bawat isa ay pinahiran ng banal na langis at isinugo ng Panginoon upang maging saksi ng pagmamahal ng Diyos sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 58,439 total views

 58,439 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 80,505 total views

 80,505 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 96,201 total views

 96,201 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 103,148 total views

 103,148 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 163,039 total views

 163,039 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top