Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,620 total reads

Homiliya para sa Martes Santo, 31 Marso 2026, Jn 13:21-33, 36-38

Nang sabihin ni Hesus na may isa sa kanila na magtataksil sa kanya, para na rin niyang inanunsyo na nagsimula na ang matinding labanan na kailangan niyang harapin sa mga susunod na araw. Pero ang kalaban niya ay hindi ang mga otoridad, hindi si Pilato, hindi rin ang mga punong saserdote na matagal nang nagplanong iligpit siya. Hindi rin si Judas Iscariote. Kung hindi sila, sino? Si Satanas.

Noong una, akala ko ang itinuturo ni Hesus na paraan ng pakikipaglaban ay katulad ng pilosopiya ng Aikido ng mga Hapones. Akala ko iyon ang tinutukoy na paraan ng ating unang pagbasa tungkol “Mahiwagang Lingkod ng Diyos”—na parang nagpapahayag ng hinaing. Para daw siyang espadang kabilaan ang talim, o isang matulis na pana na bagong hasa, pero imbes na gamitin na panlaban sa kaaway ay itinago.

Kaya ko naisip ang Aikido, dahil ang prinsipyo ng martial arts na ito ay hindi upang manakit kundi ang matutong umilag sa mga suntok o pag-atake ng kalaban. Parang sayaw ang Aikido. May disiplina. Inuunahan ang kalaban, pinakikiramdaman kung ano ang susunod niyang hakbang. Dapat maliksi sa pag-iwas sa pagsugod ng kalaban. Na kung ibig mo siyang talunin, hayaan mo lang siyang bumagsak sa sariling bigat niya. Pagharap sa karahasan sa paraang hindi gumagamit ng dahas. Minsan tinatawag ito na “active nonviolence” sa Ingles.

Mukhang mas radikal pa kaysa Aikido ang itinuturo ni Hesus sa kanyang mga alagad. Pati ang kalaban dapat daw mahalin. Ibig sabihin, kahit kailan huwag hangarin ang pagkasira ng sinumang tao, kahit iyung nakasakit sa iyo. Consistent si Hesus sa paniwala niyang walang taong likas na masama. Na lahat tayo ay likas na mabuti pero puwedeng mahulog sa bitag ni Satanas at makagawa ng masama.

Kaya ang tunay na kalaban para kay Hesus ay ang katunggali na hindi nakikita. Sabi ni San Juan sa ebanghelyo, “Pagkatanggap ni Judas ng tinapay kay Jesus, sinaniban siya ni Satanas.” Pagtataksilan na nga siya, iniisip pa rin niya ang kakailanganing pamatid-gutom ni Judas paglabas niya. Ang panlaban ni Jesus sa kataksilan ay pag-ibig na walang kundisyon, hindi takot masaktan, handang magpatawad at naghahangad ng kaligtasan—hindi lang para sa mga mabubuti at mababait kundi higit sa lahat sa mga naliligaw ng landas at nalilinlang ng tunay na kalaban. Ang pantubos niya ay buhay niya.

Kaya pala hindi tayo tinuruan ni Jesus na itakwil ang sinuman, maging ang mga taong may atraso sa atin. Isang kaaway lang ang itinuro niyang itakwil natin: si Satanas, ang kanyang mga hungkag naliligaw pangako, at ang pang-aakit sa masama.

Sana isaisip natin ito habang humaharap tayo sa malalaking hamon sa ating panahon—ang hamon ng pagbabalik sa uso ng prinsipyong matira ang matibay, ang pamamayani ng lakas ng dahas na nagdudulot ng matinding kaguluhan at pagdurusa sa napakaraming mga tao. Gayundin ang pagharap natin sa hamon ng korapsyon at pananaig ng politika ng pagpapatron.

Sa mga darating na araw, matuto tayo sa mga aral na ituturo ng ating guro sa disipina ng labanan na espiritwal. Ibang klaseng talino, ibang klaseng lakas ang dulot ng Espiritu Santong kaloob niya sa atin. Kaya pala sinabi niya kay Pedro, “Sa ngayon, hindi pa ninyo ako masundan sa aking paroroonan, pero sa kalaunan, masusundan nyo rin ako.” Hindi pa, dahil kailangan pa niyang isugo ang tunay natin panlaban at patnubay: ang Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,005 total reads

 56,005 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,502 total reads

 116,502 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,778 total reads

 135,778 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,432 total reads

 216,432 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,615 total reads

 315,615 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,274 total reads

 16,274 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,916 total reads

 15,916 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 41,103 total reads

 41,103 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 105,124 total reads

 105,124 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top