Samahan at ipanalangin ang mga pari sa kanilang bokasyon, panawagan ni Bishop Agcaracar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,709 total reads

Nanawagan si San Jose Nueva Ecija Bishop Samuel Agcaracar, SVD sa mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin at samahan ang mga pari sa gitna ng mga hamon sa kanilang bokasyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass noong Martes Santo, Marso 31, 2026 sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Ayon kay Bishop Agcaracar, hindi maikakaila na may mga negatibong pananaw at paratang laban sa mga pari, ngunit hinikayat niya ang mga mananampalataya na tumugon sa pamamagitan ng panalangin at pag-unawa.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng mga lingkod ng Simbahan ang dasal, tulong, at pag-agapay ng bawat mananampalataya.

“Ipagdasal nyo kami. Tulungan nyo kami. Samahan nyo kami. Huwag kayong makiisa,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Agcaracar.

Binigyang-diin din ng Obispo na hindi lamang mga pari ang dapat magsuri ng sarili, kundi maging ang mga layko na naglilingkod sa Simbahan.

Giit ni Bishop Agcaracar, hindi dapat na malimutan ng bawat isa ang kaakibat na misyon at pananagutan ng pagiging isang binyagan.

“Lahat tayo nakakalimutan natin ang diwa ng ating pagiging pinahiran ng Diyos… ang ating paglilingkod ba ay para sa Diyos?” Dagdag pa ni Bishop Agcaracar.

Pinagtibay rin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaisa sa loob ng Simbahan, bilang isang pamayanang pinagbubuklod ng iisang pananampalataya.

Ayon kay Bishop Agcaracar, ang pagkakahati-hati ay taliwas sa tunay na diwa ng Simbahan, sapagkat iisa lamang ang langis na ipinapahid sa bawat isa, ang langis ni Kristo na sumasagisag sa pagkakaisa ng lahat.

Hinimok din ng Obispo ang mga pari at layko na pairalin ang pagmamalasakit, pagpapatawad, at pakikipagkaisa sa isa’t isa bilang bahagi ng kanilang paglilingkod sa Simbahan at pamayanan.

“Let’s continue to do our own mission. We are sent because we are called and anointed. But we can never do our mission if we are not united. No matter how beautiful the churches that we build, if we are not united, we only continue to hurt one another and our people. May that calling of poverty continue to challenge us and inspire us to reach out as a church, to go out as a church.” Ayon pa kay Bishop Agcaracar.

Samantala, pinaalalahanan din ng Obispo ang lahat, na ang bawat isa ay tinatawag at isinugo upang gampanan ang kani-kanilang misyon sa Simbahan.

Umaasa rin si Bishop Agcaracar na ang diwa ng kahirapan, kababaang-loob, at paglilingkod ay magtutulak sa Simbahan na higit pang mag-abot ng tulong at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Batay sa tala, katuwang ni Bishop Agcaracar sa pangangasiwa sa buhay espiritwal ng may higit sa 600,000 Katoliko sa 21-parokya sa Diyosesis ng San Jose Nueva Ecija ang 35 mga Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 98,172 total reads

 98,172 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 134,959 total reads

 134,959 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 165,533 total reads

 165,533 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 214,422 total reads

 214,422 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 276,014 total reads

 276,014 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top