Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang kalikasan at ang ating hinaharap

SHARE THE TRUTH

 57,883 total views

Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng Proclamation No. 237 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988, itinalaga ang buwan ng Hunyo bilang Philippine Environment Month. Layunin nitong itaas ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan at hikayatin tayong magsama-samang kumilos upang pigilan ang pagkasira nito. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Protect Nature, Sustain our Future: #WeHealNature4OurFuture.” Sa pamamagitan ng temang ito, hangad ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month na bigyang-diin ang malalim na ugnayan ng ating kalikasan at ng buhay ng tao, lalo na para sa ating hinaharap. 

Hindi maikakailang labis na nating nadarama ang pagkasira ng kalikasan. Nitong mga nakaraang buwan, nakaranas tayo ng matinding init ng panahon. Kinansela ang mga klase at natuyot ang mga pananim. Nitong mga nakaraang linggo naman, biglang buhos ang malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang siyudad. Hindi na ito nakagugulat dahil hindi naman natin natutugunan—hindi lang ng Pilipinas kundi pati ng ibang bansa—ang pagtindi ng climate change. Muli, ang climate change ay dulot ng patuloy na pag-init ng mundo dahil sa greenhouse gas emissions. Batay sa pag-aaral na inilabas ng Natural Climate Change, 19 sa 34 na bansang inaral nila ang bigong maabot ang kanilang mas mababang emission targets. 

Maganda naman ang katayuan ng Pilipinas sa Climate Change Performance Index (o CCPI) sa taong ito. Tinatasa ng CCPI ang mga tugon ng mga bansa sa climate change. Mula sa ika-12 puwesto ay umakyat sa ika-6 ang Pilipinas sa mahigit 60 na bansa. Gayunpaman, ayon sa mga eksperto ng CCPI, kulang pa rin ang mga estratehiya at patakaran ng pamahalaang Pilipinas para mapababa ang ating emissions katulad ng pag-phaseout ng fossil fuels. Hinihikayat din ng mga ekspertong mas makilahok ang Pilipinas sa panawagan sa mas malalaki at mauunlad na bansang lumipat sa malilinis na pagkukunan ng enerhiya o renewable energy sources

Maliban sa mga ito, mayroon pang iba’t ibang isyung pangkalikasan sa bansa. Noong isang linggo lang, isinumite ng environmental groups ang kanilang petisyong nilagdaan ng halos sampung libong indibidwal na nanawagan sa administrasyong Marcos na protektahan ang Masungi, isang watershed at conservation area malapit dito sa Metro Manila. Kasunod ito ng plano ng DENR na tapusin na ang kasunduan nito sa Masungi Georeserve Foundation para pangunahan ang mga conservation efforts sa lugar. Nakatulong ang foundation sa reforestation ng dalawandaang ektaryang lupain sa Masungi. Mahalagang ambag ito, lalo pa’t ayon sa UN Convention to Combat Desertification and Drought, mahigit 14 milyong ektarya o halos kalahati ng total land area ng bansa ay degraded na.  

Ilan lamang ang mga ito sa mga hamon sa kasalukyang kalagayan ng ating kalikasan. Bilang mga tagasunod ni Hesus, tungkulin nating protektahan ang ating kalikasan, hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para sa susunod na henerasyon. Katulad ng sinasabi sa Genesis 2:15, inilagay tayo ng Diyos sa hardin “upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” Sa kasamaang palad, bigo tayong gampanan ang tungkuling ito. Wika nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudate Deum, hindi na natin mapigilan ang malaking pinsalang idinulot natin sa kalikasan [at] sa katunayan, kakatiting na ang natitirang oras para pigilan ang mas matinding pagkasira nito.

Mga Kapanalig, sama-sama tayong kumilos at lakasan ang ating boses upang magkaroon ng kongkretong aksyon ang pamahalaan para pigilan ang pagtindi ng climate change. Dapat nang bilisan ang paglipat sa mas malilinis na pagkukunan ng enerhiya. Dapat pang paigtingin ang pagsalba sa ating mga kagubutan. Sa abot ng ating makakaya, mag-ambag din tayo para isalba ang ating mundo para sa atin sa mga susunod pang henerasyon.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 27,111 total views

 27,111 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 38,828 total views

 38,828 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 59,661 total views

 59,661 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 76,114 total views

 76,114 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 85,348 total views

 85,348 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 27,112 total views

 27,112 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 38,829 total views

 38,829 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 59,662 total views

 59,662 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 76,115 total views

 76,115 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 85,349 total views

 85,349 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 73,906 total views

 73,906 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 81,965 total views

 81,965 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 102,966 total views

 102,966 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 62,969 total views

 62,969 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,661 total views

 66,661 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,242 total views

 76,242 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 77,904 total views

 77,904 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,235 total views

 95,235 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,218 total views

 71,218 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 64,075 total views

 64,075 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top