Ang Kuryente sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 13,600 total views

Ang kuryente, kapanalig, ay mahalaga para sa ating ekonomiya. Kung wala nito, patay ang kabuhayan ng halos lahat. Hindi natin maitatatwa na pundasyon ng bayan ang maayos na suplay ng kuryente.

Sa ngayon, kapanalig, ang electrification rate ng ating bayan ay nasa 95.8%. Tinatayang mga mahigit 970,000 households na lamang ang wala pang access sa kuryente. Karamihan ng mga kabahayan na ito ay nasa Mindanao. Gumagawa na ng paraan ang pamahalaan upang maitawid na ang last-mile connectivity sa ating bayan.

Kaya lamang kapanalig, hindi lamang electrification rate ang hadlang sa access sa kuryente sa ating bansa. Ang presyo, kapanalig, kung ang consumers ang tatanungin mo, ang pinakamalaking sagabal sa access sa kuryente.

Ang kuryente sa Pilipinas ay pinakamataas sa ASEAN, ayon sa isang pag-aaral mula sa Philippine Center for Investigative Journalism. Ang presyo ng elektrisidad sa ating bayan ay nasa mga Php 9.86 per kilowatt-hour (kWh), habang ang Singapore, Php 10.15/kWh. Sa Malaysia ang pinakamura, na nasa Php 1.42/kWh.

Isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang singil ng kuryente sa ating bayan ay ang generation charge, na siyang binabayad sa mga power suppliers/producers – yung mga nagbebenta ng enerhiya mula langis at coal. Dahil ang langis at coal ay iniimport natin, pag nagtaas ng dolyar, mas malaki ang binabayad natin. Mahigit 50% ng ating bayarin kada buwan sa mga power utilities ay ang generation charge.

Ang langis at coal kapanalig, ay malaking bahagi ng power supply mix ng bayan – dependent tayo dito. Humigit kumulang kalahati ng ating power supply ay mula sa langis at coal. Kaya malaki talaga ang gastos ng bayan para dito.

Syempre, kapanalig, maliban sa malaki ang gastos, malaki rin ang epekto ng pag-gamit ng langis at coal para sa power supply. Alam naman natin na ang mga ganitong uri ng power source ay nag-rerelease ng mga emissions na nagpapa-iinit ng ating mundo – nagpapalala ng climate change. Masama na ito sa kalikasan, masama rin sa kalusugan. Nagdadala sila ng polusyon sa atin hangin at mga maliit na particulates na pumapasok sa ating baga. So, triple whammy kapanalig – masakit na sa bulsa, nakakasama na sa kalikasan, masama pa sa kalusugan.

Kaya nga’t wise investment na ngayon ang renewable energy. Mahal man ang mga imprastraktura para dito, ang kanilang long-term benefits ay hindi matatawaran. Malaki ang magagawa nito para sa estado ng kuryente sa ating bayan, kaya sana, dali-dali na natin itong mailatag sa ating bansa. Siguro kapanalig, panahon na rin upang ating dinggin ang panawagan ni Pope Francis sa Laudato Si. Sabi niya, panahon na upang ating tahakin ang “ecological approach” sa ating pamumuhay – isang approach o paraan kung saan ating hinahabi ang katarungan panlipunan at pangkalikasan, upang ating madinig ang panaghoy hindi lamang ng maralita, kundi pati ng ating inang kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 18,635 total views

 18,635 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 33,455 total views

 33,455 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 50,975 total views

 50,975 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 104,407 total views

 104,407 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 121,644 total views

 121,644 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Pangangalaga sa kalikasan, panawagan ng DENR

 10,179 total views

 10,179 total views Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng pagkakaisa sa pagtatanim at pangangalaga ng kalikasan sa pagdiriwang ng Arbor Day ngayong

Read More »

RELATED ARTICLES

Gawing viral ang katotohanan

 18,636 total views

 18,636 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 33,456 total views

 33,456 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 50,976 total views

 50,976 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 104,408 total views

 104,408 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 121,645 total views

 121,645 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 120,087 total views

 120,087 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 120,131 total views

 120,131 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 116,849 total views

 116,849 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 116,470 total views

 116,470 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

FEAR- MONGERING

 110,615 total views

 110,615 total views “Fear-mongering”… Walang kabuluhang aksyon, propaganda, pananamantala,.. layuning magdulot ng pangamba at takot upang maimpluwensiyahan ang opinyon at gawi ng mamamayan. Kawawang manggagawa., Kapanalig,

Read More »
Scroll to Top