Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang paring humayo… at naglingkod

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Mga Kapanalig, kilala niyo ba si Jose Gabriel del Rosario Brochero? Parang pangalan ng artista o kaya naman ay isang mayamang haciendero, hindi po ba?

Isa pong pari si Jose Brochero sa bansang Argentina, at nitong Linggo, itinanghal siya ni Pope Francis bilang isang ganap na santo. Ipinanganak noong 1840 at naging pari sa edad na 26, kilala si Fr. Brochero sa bansag na “gaucho priest”; ang salitang “gaucho” ay tumutukoy sa mga taga-Timog Amerika na pagpapastol ng mga baka o kabayo. Iginawad ang bansag na ito kay Fr. Bochero dahil tanyag siya sa pag-iikot sa Argentina habang nakasakay sa isang asno o mule at nakasuot ng poncho at sumbrero, na parang isang “gaucho”, upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang pari.

Matapos magturo nang ilang taon, itinalaga siyang pamunuan ang diyosesis ng San Alberto, isang malawak na diyosesis kung saan ang 10,000 parokyano ay nakakalat sa mga malalayo at liblib na lugar. Sakay ang kanyang asno at bitbit ang imahe ng Birheng Maria, isang bag ng mga gamit-pangmisa, at aklat ng mga dasal, dinayo ni Fr. Brochero ang mga pamayanan sa San Alberto upang isagawa ang mga sakramento. Hindi niya inalintana ang layo ng kanyang mga pinuntahan, mailapit lamang ang Simbahan sa mga tao.

Kilala rin si Fr. Brochero sa pagtatatag ng paaralan para sa mga batang babae, paglalagay ng mga telegraph stations, at pagpaplano ng riles ng tren. Naging tatak ng kanyang pagkapari ang pagiging malapít sa mga mahihirap at mga maysakit. Sa katunayan, nahawaan siya ng isang parokyanong may ketong na nagdulot ng kanyang pagkabulag at pagkabingi, mga kundisyong pumigil sa kanyang tuparin ang kanyang mga tungkulin, hanggang sa siya ay pumanaw noong 1914.

Ang kahandaang maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nasa malalayong lugar o kaya naman ay mayroong nakahahawang karamdaman, ay isang magandang katangiang mahahango sa buhay ng ating bagong santo. At ito ang tunay na diwa ng pagiging isang mabuting tagasunod ni Hesus. Sa kanyang apostolic exhortation na Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na bilang pagtalima sa halimbawa ng Panginoong Hesus, mahalaga para sa Simbahan ngayon na humayo at ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng tao—kahit saan, kahit kailan, at nang walang pag-aalinlangan o takot.

Ngunit hindi lamang po ito para sa aming mga pari; ito ay para sa lahat ng binyagan. Tayo pong lahat, bilang bahagi ng bayan ng Diyos, ay mga disipulong may misyon, “missionary disciples.” Ano man ang ating katayuan sa Simbahan o antas ng kaalaman sa pananampalataya, tayo ay maaring maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita o “agents of evangelization.”

Ngunit hindi nangangahulugang kailangan nating gayahin ang ginawa ni San Jose Brochero. Totoong mayroon pa rin tayong mga kapatid na nasa malalayong lugar, ngunit sa laki ng iniunlad ng komunikasyon at daloy ng impormasyon, may kakayahan na tayo ngayong maabot ang mga taong uhaw sa salita ng Diyos. Posible ngang ang mga taong nasa loob mismo ng ating tahanan o opisina ay hindi pa lubusang nasusumpungan ang pangakong kaligtasan ng ating Panginoon. Ang kailangan natin, mga Kapanalig, ay ang katapangan at lakas ng loob na ipinamalas ni San Jose Brochero sa pagtupad sa kanyang misyon. Mahalaga rin ang tunay na pakikinig at pag-iwas sa anumang balakid sa ating pakikipagkapwa.

Hindi rin limitado sa ating mga sasabihin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Si San Jose Brochero ay nagpatayo ng mga paaralan at nagpaayos ng mga imprastraktura, mga bagay na tumulong paunlarin ang mga tao sa kanyang diyosesis. Sabi nga sa isang sikat na paalala sa mga Kristiyano, “Preach the Gospel at all times. Use words if necessary.” Walang pangangaral ng Mabuting Balita ang hihigit sa pagsasabuhay nito upang paglingkuran ang ating kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 52,436 total views

 52,436 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 75,268 total views

 75,268 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 99,668 total views

 99,668 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 118,485 total views

 118,485 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 138,228 total views

 138,228 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 52,437 total views

 52,437 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 75,269 total views

 75,269 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 99,669 total views

 99,669 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 118,486 total views

 118,486 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 138,229 total views

 138,229 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 136,709 total views

 136,709 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 153,540 total views

 153,540 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 163,397 total views

 163,397 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 191,212 total views

 191,212 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 196,228 total views

 196,228 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top