Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hilagang Luzon, ipinagdasal sa banta ng Bagyong Lawin

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Itinaas na sa 19 na lalawigan sa Northern Luzon ang Storm Signal Number 1 dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong Lawin.

Ayon sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, naka-taas na ang storm signal number 1 sa lalawigan ng Ilocos Norte, Apayao, Cagayan kasama ang Calayan group of Islands, Batanes group of Islands, Isabela, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Catanduanes at Polillo Islands.

Huling namataan ang bagyong lawin 930 kilometro silangan ng Tayabas Quezon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 239 kilometro kada oras habang kumikilos sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Inaasahan na mag-landfall ang bagyo sa Cagayan sa Huwebes ng madaling araw at tatawirin nito ang kalupaan ng Apayao at Ilocos Norte bago.

Pinangangambahan ng PAGASA na maging isang Super Typhoon ang bagyong Lawin bago pa man ito tumama sa kalupaan ng Northern Luzon kaya’t pinag-iingat ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga nasa posibleng tamaan ng mata ng bagyo.

Patuloy naman ang pag-apela ng pagdarasal ng Archdiocese of Tuguegarao sa posibleng maging epekto ng bagyo.

Ayon sa Social Action Director ng nasabing arkidiyosesis na si Fr. Augustus Calubaquib, inihahanda na nila ang mga parokya sa kanilang lalawigan at pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa anunsyo ng mga otoridad.

Magugunitang nito lamang nakalipas na araw ay nanalasa sa bansa ang bagyong Karen kung saan aabot sa halos 3 libong pamilya ang naapektuhan at 3 ang naitalang nasawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,692 total views

 10,692 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,781 total views

 26,781 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,538 total views

 64,538 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,489 total views

 75,489 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,120 total views

 20,120 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 30,376 total views

 30,376 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 43,668 total views

 43,668 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top