Ang tawag para sa mga kabataan ngayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,346 total reads

Mga Kapanalig, may kapansin-pansing katangian ang kaliwa’t kanang protesta laban sa paglibing sa dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay ang batang edad ng mga tumututol.

Ngunit, ang kanilang kabataan rin ang madalas ipamukha sa kanila ng mga kritiko. Sa social media, may mga nagtatanong: “Bakit kayo nagpoprotesta?  Nandoon ba kayo noong panahon ni Marcos? Malay ‘nyo kung ano’ng nangyari noon?”  

Ang sagot ng mga kabataang nagpoprotesta: “Bakit kayo nagdiriwang ng Pasko?  Nandoon ba kayo sa Bethlehem noong isinilang si Hesus? Malay ‘nyo kung ano’ng nangyari noon?”

Simple ang mensahe ng mga kabataang sumali sa mga protesta: Upang hatulan ang nangyari noong diktadura, hindi kailangang naroon ka mismo. Upang masabi mong hindi bayani si Marcos, hindi kailangang nasaksihan mo mismo ang pagpapahirap at pagpatay sa mga aktibista at taong-Simbahan, ang pagnanakaw mula sa kabang yaman ng bayan, ang pagbagsak ng ekonomiya, at malawakang gutom na naranasan ng maraming Pilipino noon.  Ang kailangan ay kaalaman mula sa pagbabasa at pakikinig; kakayahang magnilay ayon sa mga batayan ng tama at mali; at kakayahang magmalasakit sa mga nakaranas ng hirap sa panahong iyon.

Sa halip na pagsabihan ang kabataang huwag makialam, hinihingi ng Simbahan na higit na alamin ng mga kabataan ang katotohanan at makisangkot sila sa pagpanday ng lipunang nagpapahalaga sa katotohanan. Sa kaniyang pahayag sa mga kabataan noong World Youth Day noong Hulyo 2016, sinabi ni Papa Francisco: “The times we live in do not call for young ‘couch potatoes’ but for young people with shoes, or better, boots laced…. Today’s world demands that you be a protagonist of history because life is always beautiful when we choose to live it fully, when we choose to leave a mark. History today calls us to defend our dignity and not to let others decide our future.”

Sa wikang Filipino, ganito ang pahayag ni Pope Francis: “Ang tawag ng kapanahunan natin ay hindi para sa kabataang nakahilata sa sofa, kundi para sa kabataang nakatali ang sapatos at bota para sa paglalakbay…. Hinihingi ng kasalukuyang mundo na kumilos kayo sa kasaysayan, sapagkat laging maganda ang buhay kapag pinipili nating mabuhay nang ganap, kapag pinipili nating mag-iwan ng bakas. Hinahamon tayo ngayon ng kasaysayan na ipagtanggol ang ating dignidad at huwag hayaang iba ang magpasiya tungkol sa ating hinaharap.”

Mga Kapanalig, nais kong isiping ang kabataang tumututol sa paglilibing ng dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi tumututol para lamang makiuso. Tumututol sila upang ipagtanggol ang dignidad ng mga napahamak ng diktadura. Tumututol sila upang ipagtanggol ang sariling dignidad. Hindi sila sumasang-ayon sa panawagang ipaubaya sa iisang tao, gaya ng Pangulo, ang lahat ng pagpapasiya kung ano ang nakabubuti.  

Sa paligid ng ating kabataan, nagbabadya ang isang bagong awtoritaryanismo. Nariyan ang pagpaslang sa mahihirap bilang solusyon daw sa suliranin ng masamang droga at krimen; ang pagwawalang-halaga ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga prinsipyo ng demokrasya tulad ng “due process,” “rule of law,” at karapatang pantao; ang malimit na bantang suspindihin ang writ of habeas corpus o ideklara ang batas military; ang pagtangkang patahimikin ang oposisyon sa pamamagitan ng mapanirang pananalita.

Move on,” ang payo ng mga kritiko sa kabataang tumututol sa libing ni Marcos. Dapat nga silang mag-“move on”—ngunit hindi sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kasalanang hindi pinagsisisihan, o sa pamamagitan ng pagsupil ng sariling tinig para mapairal ang huwad na pambansang pagkakaisa. Ang dapat na kahulugan ng “move on” ay palawakin ang pagkilos upang maipagtanggol ang demokratikong prinsipyo at institusyon ng ating bansa.

Mga kabataan, ayon sa Santo Papa, tinatawag kayo ni Hesus, na siyang daan, katotohanan, at buhay, na mag-iwan ng bakas sa kasaysayan. Sa tulong ni Hesus, maipaglaban nawa ninyo ang inyong dignidad at dignidad ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,694 total reads

 21,694 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 55,928 total reads

 55,928 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,410 total reads

 92,410 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,622 total reads

 110,622 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 193,807 total reads

 193,807 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,695 total reads

 21,695 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 55,929 total reads

 55,929 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,411 total reads

 92,411 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,623 total reads

 110,623 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top