Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese ng Cagayan de Oro, nagpasaklolo sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 227 total views

Umapela na ng tulong ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Caritas Manila para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng mawalakang pagbaha sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Ayon kay Carl Cabaraban, Social Action Coordinator ng Archdiocese of Cagayan De Oro,tutulong sila sa rehabilitasyon ng mga labis na nasirang kabahayan.

Bukod dito, tiniyak ni Cabaraban na kumikilos ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Food at Non Food items sa mga apektado ng pagbaha lalo na sa mga mahihirap.

Inihayag din ni Cabaraban na tumugon na ang ilang mga karatig na diyosesis sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga relief goods at cash assistance.

“Meron pa din kaming relief distribution sa mga malalayong lugar na naapektuhan din ng pagbaha, nagpadala na ng tulong ang ilang mga Diocese gaya ng Diocese of Malaybalay while yun Cathedral namin naglabas na din ng pondo.”pahayag ni Cabaraban sa panayam ng Damay Kapanalig.

Kaugnay nito, inaasahan naman ang pagtugon ng Caritas Manila at iba pang organisasyon ng Simbahan para sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa maraming lugar sa Mindanao.

Magugunitang unang idineklara ang State of Calamity sa Cagayan De Oro matapos bahain ang mga pangunahing lansagan at sentro ng komersyo sa lungsod.

Nauna ding nanawagan sa mamamayan ng dasal at tulong si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma para sa mga binaha sa Northern Mindanao.

See.. http://www.veritas846.ph/dasal-tulong-kailangan-ng-mga-biktima-ng-baha-sa-cagayan-de-oro/

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,328 total views

 65,328 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,103 total views

 73,103 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,283 total views

 81,283 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,979 total views

 96,979 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,922 total views

 100,922 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 19,166 total views

 19,166 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 17,768 total views

 17,768 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top