878 total views
Napakalaking breakthrough sa buong mundo ang artificial intelligence o AI. Ito ay maituturing na malaking tagumpay dahil mababago nito ang technological landscape sa buong mundo. Mapapadali nito ang maraming proseso at mapapabilis ang maraming gawain. Kaya lamang, kapag nagamit ito ng mali, maari rin itong magdulot ng panganib.
Ano ba muna ang AI? Kapanalig, ang AI ay computer system na dinisenyo na matuto at gumawa ng mga desisyon gamit ang big data. Ginagaya nito ang human intelligence. Gumagawa ito ng desisyon at nagbibigay impormasyon gamit ang algorithm at makinarya.
Napakadami na ng gumagamit ng AI – at kung ikaw ay gumagamit na ng smartphone, user ka na rin ng AI. Siguro napansin mo na halimbawa, makikipag-chat ka sa mga account ng mga kumpanya, otomatiko na ang mga sagot nila dahil sa chatbot. Ang mga chatbot na ito ay isang ehemplo ng AI. Kaya nyang sagutin ang mga katanungan mo gamit ang datos at algorithm. Sa buong mundo, Si Siri ng Iphone, Si Alexa ng Amazon, at ang Google Assistant sa android phone mo ay mga ehemplo din ng AI.
Kahit gamit na gamit na ito sa buong mundo, marami ang nangangamba na maari silang mawalan ng trabaho dahil sa AI. Biro mo naman, kapanalig, ang AI ngayon hindi na lamang chatbot. Kaya na nito magsulat ng mga sanaysay at iba pang mahahabang komposisyon. Kaya na rin nito magcode. Ang dami na ng nagagawa ng AI, at may nangangamba na maari pa itong maging mas matalino at madiskarte kaysa tao.
Kapanalig, sa kabila ng mga pangamba na ito, ang AI ay isa pa ring instrumento na magagamit ng mundo, ng ating bansa para sa kaunlaran. Maari natin itong malinang sa ating bansa upang makalikha pa ng mga bagong trabaho at gawing mas competitive pa ang ating mga kumpanya.
Para matiyak natin ang responsableng pag-gamit ng AI, kailangang may mga mahigpit na hakbang para sa seguridad ng mga gumagamit nito. Kailangan may mga safeguards upang hindi ito magamit sa krimen o anumang illegal na gawain.
Ang AI kapanalig, ay maaring magamit para mas lumawig pa ang social inclusion at equality sa bansa, at maging sa buong mundo. Sa pamamagitan ng AI, ang impormasyon at kaalaman ay maaring mapasakamay na ng mas maraming tao. Sabi ng ani Pope Francis sa Fratelli Tutti: Technology is constantly advancing, yet how wonderful it would be if the growth of scientific and technological innovation could come with more equality and social inclusion.
Sumainyo ang Katotohanan.