Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 715 total reads

Kapanalig, ang Nobyembre 8 ay isang madilim na araw sa sa kasaysayan ng ating bansa. Sa araw na ito, tatlong taon na ang nakaraan, hinagupit ang ating bayan ng super typhoon Yolanda.

Ngayong taon, ang Nobyembre 8 ay nagkaroon ng magkaibang kahulugan. Para sa maraming bikitma ng martial law, tila bagyo din ang tumama sa kanila dahil sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na payagan nang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Marcos.

Paghihinagpis ang naramdaman ng maraming biktima dahil dito. Hindi pa nga naghihilom ang sakit na kanilang naranasan, tila nabubudburan pa ng ito ng asin. Isang konsolasyon para sa kanila ang mga kataga na binitiwan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ayon sa kanya, minamaliit ng desisyong ito ang sakit na naramdam ng mga biktima ng martial law.

Ayon sa Amnesty International, tinatayang mga 70,000 mga katao ang nakulong noong panahon ng martial law, at 34,000 ang natorture habang 3,240 ang napatay mula 1972 hanggang 1981. Libo libong tao ang nakaranas ng matinding pahirap o torture noon, gaya ng pambubugbog, pangongoryente, pananakal, may iba pa na pinaso ng sigarilyo at plantsa. Marami ang nakaranas ng “water cure” kung saan ang mga biktima ay pilit na pinaiinom ng sobra sobrang tubig matapos ay bubugbugin. Maraming mga kababaihan ang ginahasa at binaboy. Para sa mga biktimang ito, ang pagtawag na bayani sa isang pinuno ng malagim na panahon ng martial law ay pag-ulit ng kalapastanganang ginawa sa kanilang buhay.  

Ang paglipas ng panahon ay hindi kailanman magbubura sa katotohanang taglay ng mga karanasan ng mga biktima ng martial law. Hindi maunawaan ng kasalakuyang henerasyon ang bigat ng pangyayaring ito. Marahil dahil ang karahasan ay kanila ng nakikita sa araw araw. Ngayon, base na mismo sa datos ng pulisya, lampas 4,500 na ang namatay mula July 1 hanggang October 2016 sa ngalan ng giyera sa droga. Mas madami pa kaysa sa namatay noong panahon ng martial law.

Para sa ilan, ang paglibing ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani ay senyales ng pag-uumpisa ng paghihilom, para ika nga, mag-move on. Kaya lamang kapanalig, marami pang mga biktima ang hindi pa nakikita hanggang ngayon. Ayon nga sa iba, buti pa ang dating presidente, mahihimlay na sa libingan ng mga bayani matapos maratay sa isang temperature-controlled room. Pero maraming mga biktima ng martial law, nawala na lamang ng walang bakas. Walang bangkay na mailibing. Nasaan ang paghihilom kung hanggang ngayon wala pa ring hustisya?

Kapanalig, tayo ay ay kasalakuyang nasa “pivotal moment” ng ating kasaysayan. Binabago ng mga pangyayari ang ating mga depinisyon ng tama, ngunit kailangan nating manindigan, at sa puntong ito, ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay isang matibay na sandigan. Sa gabay nito, makikita natin na may mga bagay na legal, ngunit hindi natin masasabing moral. Isang hamon ang makikita natin sa mga kataga mula sa Octogesima Adveniens: Legislation is necessary, but it is not sufficient for setting up true relationships of justice and equality…If, beyond legal rules, there is really no deeper feeling of respect for and service to others, then even equality before the law can serve as an alibi for flagrant discrimination, continued exploitation and actual contempt.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 146,566 total reads

 146,566 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 208,255 total reads

 208,255 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 253,964 total reads

 253,964 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 355,232 total reads

 355,232 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 417,356 total reads

 417,356 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Battered woman syndrome

 146,567 total reads

 146,567 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 208,256 total reads

 208,256 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 253,965 total reads

 253,965 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 355,233 total reads

 355,233 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »
Scroll to Top