Baha at Kawalan ng Puno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,466 total reads

Kapanalig, mas maraming mga lugar ngayon ang nagiging biktima ng malawakang pagbaha. Ano nga ba ang dahilan nito?

Sanga-sanga ang mga salik na nagdudulot ng pagbaha sa maraming lugar sa ating bayan ngayon. Unang-una, nag-iiba na rin ang weather patterns sa maraming parte ng mundo. Mas malakas na ang mga ulan at bagyo. May mga panahon rin na mas mahaba na ang panahon ng tag-ulan. Ang kawalan ng maayos na drainage o daluyang tubig ay problema rin, kapanalig. Maraming mga settlements, subdivisions, at mga gusali ang nagsulputan sa maramig lugar sa ating bayan. Dahil walang maayos na plano, pati drainage nakalimutan na. Ang mga dating natural na daluyan ng tubig ay naharang, kaya’t mabilis na tumaas ang baha. Nawala ang mga natural na exit tungo sa mga ilog at dagat.

Isa ring dahilan ay kawalan ng puno. Kapanalig, marami sa ating mga kagubatan ay nakalbo na. Ang nakakalungkot nga dito, hindi natin maaring masisi ang mga illegal loggers lamang. Pati mga maliit o artisanal farmers ay kinakalbo din ang kagubatan dahil sa kaingin.

Kapanalig, sa puntong ito, bigyang diin natin ang kahalagahan ng kagubatan, ang ating first line of defense sa baha. Ang kagubatan ay nag-aalay sa atin hindi lamang ng proteksyon, kundi mga ecosystem services gaya ng pagbibigay pagkain at pati na rin recreational experiences, ayon sa DENR. Ang kagubatan ay naglilinis ng hangin. Sila din ay mahalaga sa biological conservation at environmental protection, at natural na tahanan ng mga halaman at hayop. Ayon naman sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ang kagubatan ay tahanan din ng mga 12 hanggang 15 million na indigenous peoples. Noong 2013, PhP5.26 billion ang nagging kontribusyon ng kagubatan sa ating national gross domestic product (GDP).

Nakakapagtaka, kapanalig, na kahit pa ganito kalaki ang kontribusyon sa ating buhay, patuloy pa rin silang kinakalbo.

Kailangan ng matigil ito. Hindi dapat mawala ang puno sa ating mga bayan at kagubatan. Ang puno ay buhay kapanalig, at kung patuloy tayo sa dating gawi, buhay din natin ang ating kinikitil. Kapanalig, ang ating pamahalaan, simula pa noong 1970s ay may tuloy tuloy na reforestation program. Basa sa datos ng DENR-FMB, ang mga reforested areas sa ating bansa ay lumago mula 1974 hanggang 2013. Ang bulko ng mga reforestation programs ay karga ng pamahalaan. Suportahan natin ito.

Kapanalig, ang bawat kagubatan ay buhay na himala. Ayon nga kay Pope Francis sa kanyang Laudato Si, maari tayong maging halimaw kung iwawaksi natin ang himalang ito. Dinggin natin ang kanyang hamon: If we approach nature and the environment without…openness to awe and wonder, if we no longer speak the language of fraternity and beauty in our relationship with the world, our attitude will be that of masters, consumers, ruthless exploiters, unable to set limits on their immediate needs… Many things have to change course, but it is we human beings above all who need to change.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,784 total reads

 57,784 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,901 total reads

 106,901 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,773 total reads

 154,773 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,720 total reads

 258,720 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 341,913 total reads

 341,913 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,785 total reads

 57,785 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,902 total reads

 106,902 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,774 total reads

 154,774 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top