Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bakit ang mahihirap ang laging nagsasakripisyo?

SHARE THE TRUTH

 137 total views

Mga Kapanalig, tampok na programa ng administrasyong Duterte ang “Build, Build, Build”. At masasabi nating marami ang nasasabik na makita ang mga ipatatayong kalsada, tulay, at riles ng tren lalo na rito sa Metro Manila. “Golden age of infrastructure” nga raw ang panunungkulan ni Pangulong Duterte dahil maisasakatuparan ang mga proyektong pang-imprastrakturang hindi nagawa ng mga nauna sa kanyang administrasyon. (Ngunit magtatatlong taon na ang administrasyon at karamihan sa mga natapos o ginagawa pa lamang na mga proyekto ay iyong mga pinlano o sinimulan ng nakaraang administrasyong Aquino katulad ng extension ng LRT at MRT.)

Gayunman, bihirang pag-usapan ang tungkol sa malaking bilang ng mga pamilyang maaaring mawalan ng tahanan dahil dadaanan ang kanilang lugar ng mga ipatatayong imprastraktura. Halimbawa, ilan sa atin ang nakakaalam na hindi bababa sa 11,000 pamilya sa Metro Manila ang kakailanganing ilipat upang mabigyang daan ang pagpapatayo ng South Rail Project, ang commuter train na daraan ng maraming lungsod mula Maynila hanggang Calamba sa Laguna? Karugtong ng proyektong ito ang tinatawag na long haul train na aabot naman hanggang sa Matnog sa Sorsogon. Tinatayang 100,000 pamilya ang maapektuhan ng nasabing mga proyekto, at karamihan sa kanila ay mga informal settler families o mga pamilyang walang legal na pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Samantala, nagbabala naman noong isang linggo ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ire-relocate ang may 300,000 informal settlers sa paligid ng Manila Bay. Ito raw ay upang maibalik ang ganda ng Manila Bay na ngayon daw ay tadtad ng basura, lalo na tuwing dinadala ang mga ito ng malakas na hangin at ulan sa dalampasigan. Mataas na rin daw ang antas ng bakterya sa tubig, hindi lamang dahil sa basura kundi sa dumi ng mga taong doon tumutuloy mula sa kanilang mga bahay. Muli, mga maralita na naman ang unang target para sa problemang gawa ng lahat ng taga-Metro Manila at ng mga iresponsableng nagtatapon ng kanilang basura sa Rizal, Cavite, Bulacan, at Pampanga. Bakit isisi lamang sa mga taong nasa paligid ng Manila Bay ang tone-toneladang basurang lumulutang doon? At kailangan ba talaga silang ilipat sa ibang lugar? Hindi natin sinasabing hindi sila nagtatapon ng basura sa maling lugar, ngunit relokasyon nga ba ang solusyon sa problema ng basura o maayos na sistema ng koleksyon at segregation ng basura ang kailangan? Baka naman nais ilipat ang mga mahihirap upang bigyang-daan ang mga planong reclamation projects sa Manila Bay na tatayuan naman ng mga casino, hotel, at iba pang gusaling hindi naman pakikinabangan ng mga mahihirap. Tingnan na lamang natin ang nangyari ngayon sa bandang Pasay.

Hindi na bago ang mistulang pagsasakripisyo sa mga maralitang tagalungsod para sa sinasabing kaunlarang dadalhin ng malalaking proyektong pang-imprastraktura. Nakalulungkot na tuwing eleksyon, laging pinangangakuan ng mga politiko ang mahihirap ng mas maginhawang pamumuhay, ngunit ang katotohanan, ang mga maralitang tagalungsod ang unang-una palang isasantabi at itataboy sa ngalan ng isang maunlad na buhay at mas magandang mga lungsod.

Ang ganitong kalakaran ay bahagi ng tinatawag ni Pope Francis na “economy of exclusion and inequality,” isang ekonomiyang pinapaboran ang mayayaman habang isinasantabi ang mga dukha. Ganito ang ginagawa natin sa mga mahihirap sa ating bayan: sasamantalahin natin ang kanilang paggawa, pasasahuran sila ng napakababa, at saka palalayasin sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay upang maging mas maginhawa ang buhay ng mga nakaririwasa. Napakatinding pagkakait ng katarungan ang ginagawa natin sa ating mga kapatid.

Mga Kapanalig, huwag tayong mabulag sa larawan ng mga magagandang imprastraktura at nagtatasaang mga gusali dahil sa likod ng mga ito ang pagdurusa ng mga kapatid nating mahihirap.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,353 total views

 7,353 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,493 total views

 20,493 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,466 total views

 26,466 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,221 total views

 32,221 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,483 total views

 39,483 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,354 total views

 7,354 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 20,494 total views

 20,494 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 26,467 total views

 26,467 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,222 total views

 32,222 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 39,484 total views

 39,484 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,154 total views

 41,154 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,535 total views

 36,535 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,539 total views

 48,539 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,581 total views

 56,581 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,138 total views

 48,138 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,563 total views

 46,563 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,349 total views

 48,349 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,274 total views

 45,274 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,588 total views

 59,588 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,278 total views

 63,278 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top