Bigyan ng inspirasyon at mabuting halimbawa ang mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total views

Bigyang inspirasyon at mabuting halimbawa ang mga kabataan para mahimok na pumasok sa bokasyon ng pagpapari.

Ito ang panawagan ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission kaugnay na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Clergy and the Religious’.

“We will pray for more vocations. Because vocation is a gift from the Lord. And the most important thing is inspire our youth. There is a youth assembly there in Zamboanga. I hope that they will inspire more boys and girls to enter in religious life. Boys to enter in the priesthood,” ayon kay Bishop Bastes.

Base sa ulat, bumaba ang bilang ng mga pumapasok ng bokasyon ng pagpapari at pagmamadre partikular sa Europa, bagama’t nanatiling masigla sa bahagi naman ng Africa at Asya.

Sa Pilipinas, base sa 2013 survey may higit sa 9,000 ang mga pari para mangasiwa sa 86 percent ng mga katoliko sa kabuuang 100-milyong populasyon ng bansa.

Ang nasabing bilang ng pari ay mababa pa rin lalu’t ang ratio ay umaabot sa isang pari sa bawat 8,000 katoliko na dapat sana ay isang pari sa bawat 2,000 mananampalataya.

Binigyan diin naman ng Obispo na sa kanilang diyosesis ay hindi problema ang bokasyon bagkus ay nakatakda pa silang magdagdag ng mga seminaryo para sa mga seminaristang nais na pumasok bilang mga pari.

Sa kasalukuyan, inihayag ni Bishop Bastes na mayroon silang 100 minor seminarians; 38 seminarians in trustee, at 30 seminarians sa theology.

Ang Bacacay, Albay sa Bicol ang may pinakamaraming pari na umaabot sa 100.

Kabilang sa mga pari na tubong Bacacay ay si Fr. Roy Bellen, ang Vice President for Operations ng Radio Veritas.

Una na ring inihayag ng Santo Papa Francisco ang pagsusulong ng vocational culture para sa mga kabataan na tumimo ang pakikiisa sa pangangalaga ng buhay at ang paglilingkod sa simbahan ng may kasiyahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,649 total views

 53,649 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,518 total views

 49,518 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,720 total views

 85,720 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,222 total views

 94,222 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,045 total views

 119,045 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top