Renewal ng Hinatuan Mining permit, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 428 total reads

Mariing tinututulan ni Fatrher Niño Garcia, Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani, Guian Eastern Samar ang muling pagre-renew ng Hinatuan Mining Corporation ng Mineral Production Sharing Agreement nito upang muling makapagmina sa lugar.
Ayon kay Father Garcia, kung mapagkakalooban muli ng MPSA ang kumpanya ay 25 taon nanaman itong makapagmimina sa kanilang lugar.

Sinabi ng pari na nangangahulugan ito ng 25 taon ng pagkasira ng kanilang isla at mga karatig na bayan, at pagdurusa ng mamamayan.

“Ang impact nito hindi lang po sa island ng Manicani kundi sa katabing islands din at kasama ang mainland ng Guian. Environmental impact, nakakasira doon sa ecological system, at ang pinaka malalang nagiging problema ng diocese ngayon kasi nga marerenew sila for another 25 years, could mean another 25 years of suffering for my parishioners.” Pahayag ni Fr. Garcia sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Pari hindi lamang pagkasira sa kapaligiran at panganib sa kalusugan ang naidudulot ng pagmimina kundi pati ang pagkakawatak-watak ng mga pamilya at pagkakaroon ng alitan ng mga magkakaibigang pabor at tutol sa pagmimina.

“Ang nangyayari ngayon, ang magkakapamilya, lalo na naggawa din ng sariling rallies ang pro-mining groups ay nagbabangayan sila at it could mean again another 25 years of cursing even their relatives. 25-years silang hindi magkakausap, magkakahiwalay, mag aaway-away, nasisira ang relationship ng family, naghihiwa-hiwalay ang magkakaibigan, magkakapamilya dahil sa issue ng mina,” dagdag pa ng Pari.

Sa kabuuan ang Manicani Island ay may lawak na 1,165 hektarya, at binubuo ito ng apat na mga barangay.

Ang HMC na nagmimina sa isla ay natukoy na subsidiary ng Nickel Asia Corporation, ang pinakamalaking kumpanya ng minahan sa Pilipinas.

Nauna rito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol niya sa pagmimina dahil sa nagiiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 85,840 total reads

 85,840 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 132,976 total reads

 132,976 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 180,847 total reads

 180,847 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 284,795 total reads

 284,795 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 366,989 total reads

 366,989 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,602 total reads

 42,602 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,478 total reads

 35,478 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top