Taumbayan, hinimok na makisangkot sa mga suliraning panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang taumbayan na magsisi at magbago para magsimula ang paghihilom sa buong bansa.

Ginawa ni Bishop Pabillo ang panawagan kaugnay sa patuloy na kampanya ng Simbahang Katolika na “Stop the Killings, Start the Healing”.

Ayon sa Obispo, dapat pagsisihan ng taumbayan ang pagbalewala at hindi pakikisangkot sa suliraning lumalaganap sa lipunan lalu ang pagdami ng mga namamatay sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

“Kailangan tayong lahat na magsisi, magbago upang magkaroon ng paghihilom para sa ating bansa. Ito’y pananawagan sa lahat na ang ating pagsisisihan, ang ating hindi pamamakialam sa mga nangyayari, o pagbabalewala ng mga nangyayari, ay kinakailangan po tayong magbago na.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Bukod dito, nanawagan din ang Obispo sa mga halal na opisyal na paglingkuran ang mamamayan at hindi ang pansarili nilang interes.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, ang bayan ng Diyos ang siyang nagluklok sa kanila sa katungkulan kaya dapat pangunahing pangalagaan ng mga pulitiko ang interes ng marami at ang makabubuti sa mga mahihirap.

“Sana yung mga pulitiko natin ay talagang paglingkuran nila ang bayan hindi yung political career. Ang mga pulitikong nandiyan kasi sila’y hinalal ng bayan ng Diyos kaya dapat tingnan nila ano yung ikabubuti ng bayan hindi ang ikabubuti ng kanilang political future at party line, mahalaga yung bayan na syang naghalal sa kanila.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang kampanya ng simbahan upang matigil na ang pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga ay inilunsad noong ika-5 ng Nobyembre sa EDSA Shrine sa pamamagitan ng Banal na Misa.

Sa kasalukuyan ay patuloy na hinihimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin at ialay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa mga naging biktima ng Extrajudicial Killings.

Ang tatlumput tatlong araw ng pananalangin ay magtatapos sa ika-8 ng Disyembre, kasabay ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang paglilihi ni Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,435 total reads

 51,435 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,027 total reads

 131,027 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,474 total reads

 164,474 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,772 total reads

 199,772 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,250 total reads

 424,250 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,676 total reads

 37,676 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,565 total reads

 30,565 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top