Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, nagpaabot ng pagbati sa LET passers

SHARE THE TRUTH

 9,244 total views

Ipinarating ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagbati sa mga pumasa sa Licensure Examination Test (LET).

Ayon sa Obispo, nawa ay ipagpatuloy ng mga magiging bagong guro higit na sa mga pampublikong paaralan ang paghubog sa mga kabataan na maging bahagi ng maunlad at maayos na lipunan.

Ipinagdarasal din ng Obispo na matugunan ng mga LET passers ang kakulangan ng mga guro sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bansa.

“Congratulations po sa mga bagong mga teachers na pumasa sa LET Exams, natutuwa po tayo na marami na ang mga teachers natin pero yan din ay isang problema dahil sa marami sila, kakaunti narin yung mga slots na para sa kanila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Hiniling ni Bishop Pabillo sa panginoon na makamit ng mga LET passers ang mga trabahong angkop sa kanilang tinapos upang higit na malinang ang mga kabataan.

Sa Datos ng Professional Regulation Commission and the Board for Professional Teachers, 50,539 mula sa mahigit 85-thousand examinees ang pumasa sa Secondary Level Education, habang 20,890 mula sa mahigit 45-thousand examinees ang pumasa bilang primary teacher.

“Congratulations po sa mga pumasa, sila ay nagtagumpay at ganap na guro na sila, ipagdasal po natin na sa linis ay sila din ay magsikap na makahanap na naangkop na trabaho para po sa kanilang kurso,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Pabillo para sa mga pumasa sa LET Exams.

Sa tala naman ng Department of Education, sa mga panglalawigang antas, mayroong isang guro ang nagtuturo sa kada 31 hanggang 36 na bilang ng mga mag-aaral simula primary hanggang senior high school level, aminado naman ang kagawaran na mas mataas ang bilang ng teacher to student ratio para sa mga Highly Urbanized Areas katulad ng National Capital Region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,997 total views

 28,997 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,981 total views

 46,981 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,918 total views

 66,918 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,818 total views

 83,818 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,193 total views

 97,193 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top