169 total views
Inahahanda na ng Bureau of Corrections ang mga dokumento ng mga bilanggo na may edad 65 pataas sa bansa.
Ayon kay Bureau of Corrections spokesman Sonny del Rosario, ito ay upang mapag-aralan na ang mga record ng mga preso na balak irekomenda para mabigyan ng executive clemency ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni del Rosario, na sakaling mapag-aralan na ang mga dokumento at maari ng palayain irerekomenda kaagad ng tanggapan na iprayoridad ang matatandang bilanggo.
“Inihahanda na ng ating OIC yung pong aged 65 and above lalo na yung 70 years old and above, pinaiimbentaryo yung record n gating mga inmates at balak po i-recommend for executive clemency at kung pupuwede ng palayain ay i-prioritize ang mga matatandang inmates na nakapiit sa lahat ng pasilidad ng bUreau of Corrections sa buong bansa.” Pahayag ni del Rosario sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag ng BuCor spokesman na mahigit sa 100 ang planong irekomenda ng tanggapan para mabigyan ng executive clemency na binubuo ng matatanda at mga maysakit ng bilanggo.
“Mahigit 100 din po ang plano nating i-recommend for executive clemency at ipinag-utos na i-fastract ang proseso sa mga dokumento ng inmates na pwede na bigyan ng executive clemency, at maging ang mga sickly o malala na dapat i-spend na lang sa pamilya nila sa labas kaysa sa bilangguan ang kanilang mga nalalabing mga araw.” Ayon pa kay del Rosario.
Sa panahon ng dating Administrasyong Noynoy Aquino, nasa 8 lamang mula sa 197 na bilanggo ang nabigyan nito ng excutive clemency.
Una ng hinihimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga lider ng mga bansa at maging ang mamamayan na bigyang kalinga rin ang mga bilanggo lalo na ang mga matatanda at mga maysakit dahil sila ay labis ng nagdusa sa kanilang mga kasalanan kayat hayaan na rin silang makapiling ang kanilang mga pamilya at magbalik loob sa Panginoon.