185 total views
Bagamat itinuturing na isang “corporal work of mercy” ang paglilibing sa mga labi ng isang bangkay, nanindigan ang mga lider ng Simbahang Katolika na hindi karapat-dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating diktador na Pangulong Ferdinand Marcos.
Iginiit ni Radio Veritas President Father Anton Pascual na ang LNMB ay lugar para sa mga bayani na karapat-dapat gawing role model at tinitingala ng taongbayan na kabaliktaran ng pinatalsik na dating pangulo.
Ayon kay Father Pascual, ang dating pangulong Marcos ay idineklara ng Korte Suprema na isang mandarambong o plunderer at guilty sa patong-patong na kaso ng paglabag sa karapatang pantao na naging mitsa ng EDSA 1 People Power Revolution na pinangunahan ng yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa pamamagitan ng Radio Veritas.
“Let’s bury the dead as corporal work of mercy. But the church leadership do not concur the burial of Marcos at the LNMB because of what it stands for, a place of rest for heroes worthy of emulation and role modeling and the former president is deemed not worthy because of his declaration of martial law and the many atrocities and injustices suffered by Filipino with the church in the forefront of the struggle for liberation that culminated in the EDSA People Power Revolution led by Cardinal Sin.
Tiniyak ni Father Pascual na kaisa ng mga human rights victims ang Simbahan sa patuloy na laban upang makamit ang katarungan.
“The fight for justice still continues for the victims of Marcos regime,” mensahe ni Father Pascual.
Gayunman dahil sa pagkahati-hati ng sambayanang Pilipino sa palihim na paghihimlay sa dating pangulong Marcos sa LNMB, inihayag ni Father Pascual na kailangang igalang ang rule of law kahit hindi sang-ayon ang marami sa interpretasyon ng siyam na mahistrado ng Korte Suprema.
“On the other hand we have to respect the rule of law to put order and peace in our country. The law is the law in spite of being limited to what is written, proven and interpreted by SC. Also the judgment call of the pres in response to the signs of the times,” pahayag ng pangulo ng Radio Veritas.
Hinihiling naman ni Father Pascual sa Panginoon na maghari sa puso ng mga pilipino ang pagpapatawad at kapayapaan.
“We pray for our country for tolerance, peace, and forgiveness in order to move forward.”