Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 339 total views

Mga Kapanalig, taun-taon kapag sumasapit ang ika-15 ng Abril, nababahala ang marami at nagkukumahog sa paghahabol sa deadline ng filing ng income tax return o ITR. Sa maraming obligasyon ng isang mamamayan, ang pagbabayad ng buwis ay madalas ituring na isang pabigat. Dahil dito, ngayong panahon ng kampanya para sa halalan sa Mayo, may mga pulitikong nangangakong pagagaanin daw ang halagang kukubrahin sa mga may mababang kita. Marami rin tayong mga kababayang naging ugali na ang umiwas sa pagganap ng tungkuling ito—tax evasion kung tawagin—o kaya naman ay ‘di nagbabayad ng tamang halaga ng buwis—tax avoidance naman ito.

May sinasabi ba ang Catholic social teaching ukol sa pagbabayad ng buwis? Mayroon, mga Kapanalig. Tinuturo ng ating Simbahan na ang pagbabayad ng buwis ay bahagi ng panunustos pampubliko o public financing na maaring maging instrumento ng kaunlaran at pagmamalasakit. Kung kaunti nga naman ang nagbabayad ng buwis, o kaya’y maliit na halaga ang nalilikom ng pamahalaan mula sa buwis, paano nito matutustusan ang maraming mahahalagang serbisyong pampubliko? Nariyan ang mga paaralan, suweldo ng mga guro at mga empleyado ng gobyerno, mga pagamutang pampubliko, mga gamot na dapat ilagay sa mga health centers, mga kalsada, tulay, irigasyon, paliparan, pati na rin ang pagbibigay ng relief kapag may kalamidad, o paglilikas ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa kung may gulo roon. Lahat ito ay inaasahan ng mga tao mula sa gobyerno, at ang lahat ng ito ay tinutustusan ng buwis. Ang mga pulitiko ay abot-abot ang pangangako na itutuloy o palalawakin ang programang 4Ps, mga libreng pag-aaral, at scholarship. Para magawa ang mga ito, kailangan ang buwis.

Mga Kapanalig, ang pampublikong paggastos ay malahaga sa anumang lipunan. Tungkulin din ng pamahalaan ang pangalagaan at isulong ang kagalingan ng pinakamahihina sa lipunan. Subalit matitiyak na ang pampublikong paggastos ay naaayon sa kabutihan ng pangkalahatan kung matutupad ang tatlong pamantayan. Una, ang mga mamamayan ay nagbabayad ng buwis bilang bahagi ng kanilang tungkuling makipagkaisa at magmalasakit sa iba, lalo na sa mahihirap. Mahalagang sa ating pagbabayad ng buwis ay ating isinasaisip at isinasaloob ang kagustuhang mapabuti ang kalagayan ng ating kapwa.

Ikalawa, kailangan maging makatwiran at makatarungan ang pagpapataw ng buwis. Ang tumatanggap ng mas malaking kita ay kailangang magbayad din ng mas malaking buwis. Ang mga naglalakihang mga negosyong may malalaking kita o tubo ay dapat magbayad ng mas malaking porsyento ng kanilang kinikita para sa buwis.

Ikatlo, integridad sa paggastos at pamamahagi ng mga pondong pampubliko. Ang nalikom na pera mula sa buwis ay dapat ginagamit sa paraang makabubuti sa marami, lalo na sa mahihirap, at ito ay dapat naipapanagot sa bayan. Kailangan ay makatarungan ang pagpapamahagi ng pondo; ang higit na nangangailangan ay dapat mabigyan ng mas malaking bahagi.

Mga Kapanalig, sapagkat ganito ang mga panuntunan ng turo ng ating Simbahan ukol sa buwis, unang-una ay siyasatin natin ang ating kalooban at pukawin doon ang malasakit sa kapwa upang makapagpasya tayong ibahagi ang ating kita para sa kagalingan ng iba, sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis. Ikalawa, suriin nating mabuti at maging mapagbantay kung paano ginagastos ng pamahalaan ang yaman ng bayan. Sa halip na puro Facebook ang ating tinitingnan, buksan natin ang website ng DBM at iba pang mga ahensiyang gobyerno kung saan natin mahahanap kung saan napupunta ang pera ng gobyerno at magkano ang halaga ng iba’t ibang proyekto. Ikatlo, tanungin natin ang mga kandidato kung anong mga pagkakagastusan ang prayoridad nila, at suriin natin kung makatarungan ba ang mga prayoridad na ito. Higit sa lahat, mga Kapanalig, piliin natin ang mga pinunong hindi nagnanakaw ng pera ng bayan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 15,254 total views

 15,254 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 30,331 total views

 30,331 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 36,302 total views

 36,302 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 40,485 total views

 40,485 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 49,768 total views

 49,768 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 15,255 total views

 15,255 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 30,332 total views

 30,332 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 36,303 total views

 36,303 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 40,486 total views

 40,486 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 49,769 total views

 49,769 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 49,227 total views

 49,227 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 47,472 total views

 47,472 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 97,780 total views

 97,780 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 107,248 total views

 107,248 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 78,668 total views

 78,668 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 84,927 total views

 84,927 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 99,244 total views

 99,244 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 84,611 total views

 84,611 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 72,202 total views

 72,202 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 84,804 total views

 84,804 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top