1,899 total views
Palalawakin ng United States Agency InternationalnDevelopment (USAID) ang tulong sa Pilipinas upang mabigyan ang bansa ng tamang kaalaman sa maayos at matipid na paggamit sa tubig.
Ibinahagi ni Former DENR Secretary Elisea Gozun – Climate Resiliency team leader ng USAID Be Secure project ang layunin ng proyekto na bigyan ng mas epektibo at pangmatagalang solusyon ang suliranin ng bansa sa pagkakaroon ng malinis na tubig.
“Ang proyektong ito ay talagang naglalayon na magkaroon tayo ng pangmatagalang supply ng tubig. Tayo ay magkaroon ng water security, hindi lang may tubig kundi ito ay accesible at ito ay affordable at malinis,” pahayag ni Gozun sa Radyo Veritas.
Ilan sa mga mungkahing pamamaraan ng USAID ang paggamit ng water saving gadgets na isa sa mga pangmatagalang solusyon upang makatipid sa tubig.
Sa pag-aaral ng USAID ang isang tao ay nangangailangan lamang ng 54 na litro ng tubig kada araw para sa kanyang, pagkain, inumin, panglinis sa katawan at pang laba.
Subalit sa tala noong 2014 umaabot sa 98 litro ang nakokonsumong tubig ng isang tao kada araw.
Una na ring hinimok ng kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si ang bawat isa na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa iisang adhikaing protektahan ang kalikasan.