Cardinal David sa ika-40 taon ng EDSA: “Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,464 total views

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang puwang ang pag-abuso sa kapangyarihan sa isang demokrasyang nakasalalay sa tiwala ng bayan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong misa nobenaryo ng National Shrine of Our Lady of Peace o EDSA Shrine, sinabi ng kardinal na hindi nararapat mamuno sa bayan ang mga tiwaling opisyal.

“Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang panunungkulan sa pamahalaan ay hindi pag-aari kundi isang pananagutan sa Diyos at sa mamamayan.

Iginiit ni Cardinal David na ang pundasyon ng pamamahala ay public trust.

Ipinaliwanag din ng kardinal ang kahulugan ng transparency at accountability sa mas payak na wika.

“Ang pinakamalapit na salitang Tagalog para sa transparency ay ‘walang tinatago,’ at para sa accountability ay ‘handang managot,’” ani Cardinal David.

Ayon sa kanya, hindi lamang mga lingkod-bayan ang dapat magsuri ng sarili kundi maging ang mamamayan.

“Imposibleng magkaroon ng good governance kung walang responsible citizenship,” paalala ng kardinal, sabay panawagan ng isang “moral reset” para sa bansa.

Kasabay ng pagninilay sa Unang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ni Cardibal David ang mga mananampalataya na ang kapangyarihan ay ipinagkakatiwala at hindi inaangkin.

Dagdag pa niya, maaaring malinlang ang tao, ngunit hindi ang Diyos.

“Hindi tayo boss. Hindi tayo amo. Tayo’y katiwala… Pwede mong lukohin o pagtaguan ang bayan. Pero pwede mo bang lukohin o dayain ang Panginoong Diyos?” ayon sa kardinal.

Hinimok ng kardinal ang lahat na pangalagaan hindi lamang ang tiwala ng bayan kundi higit sa lahat ang tiwalang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa bilang mga katiwala ng Kanyang nilikha.

Kabilang din si Cardinal David sa mga tagapagsalita sa Prayer Power sa EDSA kabilang ang mga kilalang personalidad na kaisa sa pagsusulong ng pananagutan sa mga lider ng bayan.

Ito rin ay paggunita sa yumaong Jaime Cardinal Sin na noo’y arsobispo ng Manila na nanawagan sa taumbayan sa pamamagitan ng Radio Veritas na magtungo at magbuklod sa EDSA na naging mitsa sa tinaguriang bloodless at peaceful revolution na nagpatalsik sa diktaduryang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 110,773 total views

 110,773 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 132,883 total views

 132,883 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 206,914 total views

 206,914 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 202,351 total views

 202,351 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top