Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa MAGPAS 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,602 total reads

Inaanyayahan ng Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) ang mga mananampalataya na makibahagi sa susunod na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) 2026 na gaganapin sa April 11 sa San Roque de Mandaluyong Parish.

Tampok sa pagtitipon ang temang “Evangelization and the Country,” na naglalayong pagnilayan ang papel ng sambayanang Kristiyano sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos sa gitna ng mga hamong moral at panlipunan sa bansa, gayundin sa lumalalang tensyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa OPNE, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyong ebanghelisasyon, hindi lamang sa loob ng Simbahan kundi lalo na sa lipunan kung saan higit na kinakailangan ang pananampalatayang isinasabuhay sa konkretong pagkilos.

Magsisimula ang programa sa pagpapatala ng alas-7 ng umaga, susundan ng Banal na Misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Tatalakayin sa pagtitipon ang paksa ng responsableng pakikilahok ng Kristiyano sa lipunan at ang papel ng ebanghelisasyon sa larangan ng socio-political kung saan kabilang sa mga magbahagi ng panayam sina Fr. Enrico Martin Adoviso, minister ng Archdiocesan on Labor Concerns and Ministry on Socio-Political Affairs, at ang lay preacher na si Alvin Barcelona.

Patuloy na mensahe ng pagtitipon ang panawagan ng Simbahan na maging buhay na saksi ng pananampalataya at maging tagapagtaguyod ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa gitna ng mga hamon ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,867 total reads

 16,867 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,723 total reads

 54,723 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,933 total reads

 72,933 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,262 total reads

 157,262 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,844 total reads

 193,844 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,208 total reads

 2,208 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top