CMSP, nanawagan ng malalim na pagninilay at makataong pagsasagawa ng pan-relihiyong tradisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,552 total views

Nanawagan ng mas malalim na pagninilay at makataong pagsasagawa ng mga tradisyong panrelihiyon si Fr. Angel Cortez, OFM, co-execuitive secretary ng Conference of Major Religious Superiors in the Philippines (CMSP), kaugnay sa naging kontrobersyal na insidente sa Salubong sa isang parokya sa Concepcion, Malabon.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Fr. Cortez na bagama’t mahalaga ang kabanalan ng mga liturhikal na pagdiriwang, kinakailangang ito ay laging kaayon ng malasakit, pag-aaruga, at paggalang sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Ayon sa pari, ang mga simbolo sa pananampalataya—gaanuman kahalaga—ay hindi dapat maging sanhi ng paglabag sa dignidad at kapakanan ng alinmang nilalang.

“Sa diwang Franciscano, tinatawag tayong kilalanin ang lahat ng nilikha bilang ating mga kapatid, na ipinagkatiwala sa ating pangangalaga,” pahayag ng pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit din nito na ang nangyaring insidente ay hindi dapat maging sanhi ng pagtatalo kundi magsilbing paanyaya sa bukas na diyalogo sa loob ng Simbahan.

Dagdag pa ni Fr. Cortez, mahalaga ang pakikinig at sama-samang pagninilay upang matiyak na ang mga gawain ng Simbahan ay tunay na sumasalamin sa Ebanghelyo ng awa, paggalang, at buhay.

Naniniwala ang pari na sa pamamagitan ng mas maingat at mapagkalingang pagpapahayag ng mga simbolo, mapananatili ang yaman ng tradisyon kasabay ng pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan.

“Nawa’y magbunga ito hindi ng pagkakahati, kundi ng mas malalim na katapatan sa Diyos na naroroon sa lahat ng Kanyang nilikha,” ayon kay Fr. Cortez.

Humingi na ng paumanhin ang Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, Malabon matapos ang insidente ng kalapating ikinabit sa mga lobo sa Salubong, kung saan inamin ng rektor at kura paroko ng dambana, Fr. Mariano “Jun” Bartolome, ang pagkukulang at humingi ng tawad sa mga mananampalataya at kay Pablo Virgilio Cardinal David.

Bagama’t matagal nang tradisyon ang paggamit ng buhay na kalapati, kinilala ng parokya ang pagkakamali sa nangyari—na binatikos din ni Cardinal David bilang kalupitan sa hayop—at iginiit na dapat isagawa ang mga tradisyong panrelihiyon nang may paggalang sa lahat ng nilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,829 total views

 12,829 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 186,763 total views

 186,763 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 164,396 total views

 164,396 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 228,128 total views

 228,128 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,997 total views

 246,997 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top