Maging mapanuri sa pagbili ng swimming floater toys, paalala ng BAN Toxics sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,518 total views

Pinaalalahanan ng grupong BAN Toxics ang publiko na maging mapanuri sa pagbili ng mga swimming floater toys para sa mga bata ngayong tag-init.

Ito ay kasunod ng isinagawang market monitoring kung saan nakitaan ng kakulangan sa tamang labeling ang ilang murang produkto na ibinebenta sa Metro Manila at Tacloban, na hindi tumutugon sa Republic Act 10620 o ang Toy and Game Safety Labeling Law.

Sa pagsusuri ng grupo, nadiskubre ang mataas na antas ng lead, mercury, at cadmium sa ilang sample—na lampas sa itinakdang pamantayan sa kaligtasan ng mga laruan.

Ayon kay Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer ng BAN Toxics, ang mga kemikal na ito ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng mga bata, kabilang ang pinsala sa utak, pag-unlad, at iba pang bahagi ng katawan.

“Toys that are unsafe for children should be immediately removed from the market to prevent chemical exposure to children and the environment,” paalala ni Dizon.

Hinala rin na ang ilang produkto ay gawa sa polyvinyl chloride o PVC na maaaring naglalaman ng phthalates na may masamang epekto sa endocrine system.

Ipinatupad ng Pilipinas ang pamantayan sa kaligtasan ng mga laruan sa ilalim ng Philippine National Standard (PNS), na sumasaklaw sa pisikal at kemikal na katangian, flammability, presensya ng ilang mapanganib na sangkap, at gabay sa angkop na edad ng mga bata.

Sa kabila ng umiiral na mga regulasyon, iginiit ni Dizon na patuloy pa rin ang bentahan ng hindi rehistrado at hindi ligtas na produkto.

Dahil dito, nanawagan ang BAN Toxics sa Food and Drug Adminidtration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na higpitan ang pagpapatupad ng batas at tiyakin ang kaligtasan ng mga laruan sa merkado.

“We appeal to the FDA and DTI to conduct enforcement action against unsafe toys and childcare articles being sold in the market to protect the public, especially children, from toxic harm,” ayon kay Dizon.

Nakasaad sa katuruan ng Simbahang Katolika na bagamat pinahihintulutan ang pagkita sa negosyo, nararapat lamang na tiyakin na ang mga produktong inilalabas sa merkado ay ligtas at hindi nagdudulot ng panganib sa tao at sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 143,211 total views

 143,211 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 173,435 total views

 173,435 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 200,081 total views

 200,081 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 295,054 total views

 295,054 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 306,738 total views

 306,738 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top