Muling pagkabuhay ng panginoon, nagdadala ng pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,253 total reads

Binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang habag ng Diyos ang pinagmumulan ng tunay na pagbabago sa buhay ng tao, bunga ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng kapistahan ng Divine Mercy sa April 12, isang linggo makaraan ang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na nagpapakita na ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang alaala kundi konkretong karanasan ng pagbabagong-buhay.

“Ang Muling Pagkabuhay ay nagdadala ng pagbabago… Ito ay para rin sa lahat ng mga tao na tumatanggap sa kanya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng obispo na ang pagbabagong ito ay bunga ng awa ng Diyos sa kabila ng kahinaan ng tao at binigyang-diin na ang Divine Mercy ang nagbibigay ng panibagong simula sa bawat mananampalataya.
“Babaguhin tayo dahil kinahahabagan niya tayo,” ayon sa obispo.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, ang takot at pag-aalinlangan ay hindi hadlang sa pagkilos ng Diyos sapagkat dumating si Jesus at ang unang pagbati niya sa mga alagad ay kapayapaan.
“Kahit na sila ay duwag… hindi nawala ang tiwala ni Jesus sa kanila. Sinugo pa sila,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-halaga rin ng obispo ang pananampalataya kahit hindi nakikita si Kristo, alinsunod sa sinabi ng Panginoon na mapapalad ang naniniwala kahit hindi siya nakita.
Ayon pa kay Bishop Pabillo, ang habag ng Diyos ay nagbubunga ng konkretong pagbabago sa pamayanan.

“Walang nang mahirap sa kanila kasi wala ring mayaman… Nagkakaisa sila,” bilang larawan ng tunay na pagkakaisa at pagbabahaginan ng mga unang Kristiyano.

Hinamon ng obispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang habag ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay lalo ngayong nahaharap ang lipunan sa matinding krisis sa ekonomiya bunsod ng mga sigalot na nangyayari sa mundo partikular sa Middle East.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,945 total reads

 77,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,663 total reads

 172,663 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,931 total reads

 216,931 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,040 total reads

 240,040 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,662 total reads

 311,662 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top