Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, umaapela ng panalangin at pagkilos laban sa death penalty

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin at pagkilos upang hindi maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Iginiit sa inilabas na pastoral statement ng Kardinal na hindi tunay na solusyon ang death penalty sa laganap na krimen kundi dapat tugunan ng positibo at komprehensibong pamamaraan ang ugat ng problema.

“Ang pinakamabisang paraan ay tugunan sa positibo at komprehensibong pamamaraan ang mga ugat ng krimen. Ang kawalan ng pagpapahalagang pangmoral, kawalang katarungan, kawalan ng pagkakapantay-pantay, kahirapan, kakulangan sa pagkain, edukasyon, trabaho at pabahay, ang pamamayagpag ng mga sandata, droga, pornography, kawalan ng paggalang sa seksualidad, at marami pang iba. Marahil biktima rin ng mga ugat na ito ang mga nakagawa ng krimen.”bahagi ng liham pastoral ni Cardinal Tagle.

Inihayag ni Cardinal Tagle na malaking hamon na dapat kaharapin sa paglaban sa kriminalidad ang pagbaba ng pagpapahalaga sa usaping moral, kawalan ng katarungan at ang laganap na kahirapan.

Binigyang-diin ng Kardinal kailangang palakasin ng Simbahan at estado ang pundasyon ng pamilyang Filipino upang ganap na malabanan ang mga ugat ng krimen.

“Upang malutas ang mga ugat ng krimen, kailangang pangalagaan at pagtibayin ng Simbahan at ng estado ang pangunahing unit ng lipunan, ang pamilya.”pahayag ng Kardinal.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle na malaking banta na magkaroon ng kultura ng kamatayan at maging katanggap-tanggap sa lipunan na ang parusang kamatayan ang tugon sa bawat kasalanan ng tao at wala nang paghihilom at pagpapatawad sa ating komunidad.

Iginiit sa pastoral statement na ang kultura ng karahasan ay magpapahamak ng tao na maging ang mga inosente ay mapatawan ng parusa habang nagdudulot naman ng paghilom at kapayapaan ang kultura ng katarungan.

“Sa pagsulong sa parusang kamatayan, may panganib na maging katanggap-tanggap ang karahasan bilang tugon sa bawat kasalanan. Marapat at tunay ngang kailangan ng katarungan at paghihilom ng mga biktima ng krimen. Titiyakin ng isang matapat at matuwid na sistemang pang-hukuman at pang-penal na ang biktima at lipunan ay magbigyan ng pagpapanibago at kaligtasan. May malaking panganib na ang parusang kamatayan ay maipataw sa isang inosenteng tao.”paglilinaw ng Kardinal.

Naninindigan si Cardinal Tagle na napapanahong panibaguhin ang mga institusyon at sangay ng pamahalaan upang mapangalagaan ang katarungan at maiwasan ang paglago ng kultura ng karahasan.

Nilinaw ng Kardinal na hindi layunin ng parusa ang paghihiganti bagkus ang pagtutuwid sa mga nagkamali at ang ikabubuti ng lipunan.

Ipinaalala din sa pastoral statement na bilang mga Kristiyano ay naniniwala tayo na ang buhay ng tao ay kaloob mula sa Diyos at walang karapatan ang sinuman na magyabang at basta na lamang ito patawan ng parusang kamatayan.

“Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayo na ang buhay ng tao ay kaloob mula sa Diyos. Ang bawat tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang bawat tao ay tinubos ng dugo ni Kristo. Ito ang mga batayang dahilan ng pagpapatawad, pag-asa at kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit ang paninindigan sa buhay, ang kultura ng buhay, ay taliwas sa abortion, euthanasia, human trafficking, mutilation, at karahasan laban sa mga mahihina at inosenteng tao. Sa harap ng Diyos ang bukal ng buhay, ang tanging nararapat na tugon natin ay pagpapakumbaba. Hindi tayo maaaring magyabang at magpanggap na diyos.”dagdag pahayag ng Kardinal.

Kaugnay nito, inaanyayahan din ang lahat ng mga parokya sa Archdiocese ng Manila na maglagay ng tarpaulins na tutol sa death penalty at isama sa panalangin ng bayan ang kahilingang hindi maibabalik sa bansa ang death penalty.

Hinimok din ni Cardinal Tagle ang mamamayan na iparating sa kanilang mga kinatawan ang pagtutol sa parusang kamatayan.

Sa datos ng Amnesty International, 140 mga bansa o two-thirds ng mga bansa sa mundo ang nag-alis ng parusang kamatayan dahil hindi ito naging epektibo sa pagsugpo sa paglaganap ng kriminalidad.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,769 total views

 11,769 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,742 total views

 17,742 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 23,497 total views

 23,497 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,760 total views

 30,760 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,744 total views

 38,744 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 15,983 total views

 15,983 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December 25, 2018 It is Christmas. It means that God has become like us in all things except sin. God has embraced our hunger and poverty. God has joined us in

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 15,993 total views

 15,993 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon Today is the feast of Saint Matthew one of the writers of the Gospel. He found Jesus. He followed Jesus. He wrote about Jesus. He died like Jesus offering the

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Final Message of the Second Synod of Lingayen Dagupan

 15,979 total views

 15,979 total views MESSAGE to the PEOPLE OF GOD Communioas Gift and Mission We were called together by the Lord and now he sends us forth! We your brothers and sisters, members of the Second Synod of Lingayen Dagupan,came together in the name of the Lord around our Archbishop Socrates from the many different parishes, schools

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 16,019 total views

 16,019 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S. David Santa Quiteria Parish Church Diocese of Kalookan Caloocan city Dear brother priests in the Diocese of Kalookan, especially the parish priest of Santa Quiteria Parish, Fr. George Alfonso, MSC,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

 15,989 total views

 15,989 total views Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese. Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor. Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Wholistic formation sa mga kabataan, apila ni Cardinal Tagle sa mga catholic school

 15,972 total views

 15,972 total views Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation. Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Blood donors, malugod na pinasalamatan ni Cardinal Tagle.

 15,982 total views

 15,982 total views Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan. Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo. Sa pamamagitan nito,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 16,131 total views

 16,131 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado. Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 16,577 total views

 16,577 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya. Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Simbahan at pamahalaan, hindi maaring maghiwalay

 16,254 total views

 16,254 total views Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino. Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao. Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 16,030 total views

 16,030 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian cathedral kahapon, Abril 21, 2017. Ayon kay Archbishop Villegas, ang Obispo ay tinatawag kakambal ang pagkamatay sa sarili upang tunay

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 16,021 total views

 16,021 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident. Ipinanalangin din ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mabuhay sa pagmimisyon, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

 15,978 total views

 15,978 total views Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa padiriwang ng Simbahan ng Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday. Ayon kay Cardinal Tagle, ang libingan ng patay na katawan ni Hesus ay nawalan ng laman upang makapagbigay ng liwanag at buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Cardinal Tagle

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

 16,004 total views

 16,004 total views Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral. Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Panalangin at pagsakripisyo sa mahal na araw, i-alay para sa kapayapaan sa bansa.

 15,692 total views

 15,692 total views Hinikayat ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na i-alay ang panalangin, pagsa-sakripisyo at pag-aayuno ngayong Semana Santa sa pagkakaroon ng kapayapan sa Pilipinas. Ayon kay Bishop Santos, mahalagang sama-samang ipanalangin ang katahimikan sa Mindanao at buong bansa. Hinimok ng Obispo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top