25,275 total views
Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Crising at Habagat.
“๐๐ฎ๐น๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐! ๐ฃTo help families affected by flooding in Mega Manila, Caritas Manila is calling for donations. You can donate through the following options: via BDO (Acct. No. 000560045905), BPI Peso (3063-5357-01), BPI Dollar (3064-0033-55), Metrobank (175-3-17506954-3), or RCBC (0000003000902216),” ayon sa mensahe ng Caritas Manila upang malaman ang mga Bank Accounts kung saan maaring magpadala ng Donasyon.
Sa tulong ng mga ipapadalang donasyon ay matutugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga nasalanta katulad ng mga food relief packs, beddings, hygiene kits, tent, timba at jerry can na higit na kinakailangan ng mga pamilyang nananatili sa mga evacuation centers.
Pinag-iingat din ng Caritas Manila ang mamamayan sa mga scammers na ginagamit ang pangalan ng institusyon upang makapanghingi ng pera at maloko ang kapwa kung saan tanging mga impormasyon lamang mula sa official Facebook page ng Caritas Manila sa @CaritasManila at DZRV 846 o Radyo Veritas Official Facebook pages ang maaring pagkatiwalaan kung saan ipapadala ang mga donasyon.
“For proper acknowledgment of your donation, send a copy of your deposit slip toViber: 09672764806; Messenger: Caritas Manila; Email: [email protected];
“Every man shall give as he is able, according to the blessing of the Lord your God which He has given you.” – Deuteronomy 16:17 DSWD Solicitation Permit No.: DSWD-SB-SP-00052-2024 #CharityWorks #Habagat #HabagatPH #CaritasCadamay #CaritasDamayan #DonationDrive #CallForDonations #DonateNow,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.
Unang tinugunan ng Caritas Manila ng relief goods, hygiene kits at bedding materials ang ibat-ibang parokya sa Archdiocese of Manila na lubhang nasalanta ng bagyo o nalubog sa tubig baha.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umaabot na sa 3.8-million na katao na katumbas ng 1.65-million-pamilya ang bilang ng mga mamayang nasalanta ng Bagyong Crising at Habagat.






