Makatotohanan at makataong pamumuno sa pamahalaan, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,370 total reads

Nananawagan ang Kanyang Kabunyian Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ng makatotohanan at makataong pamumuno sa pamahalaan.

Ito ang bahagi ng Sulat Pastoral na may titulong “When the Waters are Rising and the Truth is Drowning” o “Kapag Tumataas ang Tubig at Nalulunod ang Katotohanan” ng Obispo na siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng malawakang pagbaha na muling naranasan sa mga komunidad sa Caloocan, Malabon, at Navotas kasunod ng sama ng panahon na dulot ng magkakasunod na Bagyong Crising, Dante at Emong na pinaigting pa ng Hanging Habagat.

Ayon sa Cardinal, tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan na maglingkod ng buong katapatan para sa kabutihan at kapakanan ng mga mamamayan.
Nanawagan rin si Cardinal David sa taumbayan partikular na sa mga kabataan na tumindig para sa katotohanan at makialam sa mga nangyayari sa lipunan.
“Bilang Simbahan, tinatawagan natin ang pamahalaan na magpakatotoo at magsagawa ng makataong pamumuno. At bilang sambayanan, tinatawagan natin kayong mga kabataan na gumising, makialam, magtanong, bumoto nang may konsensya, at tumindig para sa katotohanan.” Bahagi ng sulat pastoral ni Cardinal David.

Paliwanag ng Cardinal, ang muling pagkakalubog sa baha ng mga komunidad sa CAMANAVA ay hindi lamang epekto ng ulan o climate change sa halip ay bahagi ng patuloy na pag-iral ng bulok na sistema at proyektong nasayang ng dahil sa katiwalian.

Partikular na tinukoy ni Cardinal David ang mahigit sa P5-bilyong pisong nagastos sa flood control sa Malabon at Navotas noong 2003 na magpahanggang sa ngayon ay walang pa ring naidulot na pagbabago sa lugar tuwing sasapit ang tag-ulan kung saan batay sa ulat ng COA ay marami sa mga ito ang hindi natapos o kaya naman ay mababa ang kalidad at hindi man lang naipatupad.

“Muli na namang lubog sa baha ang mga komunidad sa Caloocan, Malabon, Navotas at maraming iba pang bahagi ng ating bansa. Hindi lang ito epekto ng ulan o climate change-mas malala ang ugat nito: sistemang bulok, proyekto’t pondong sinayang, at katiwaliang patong-patong. Sa kabila ng mahigit P5 bilyong nagastos sa flood control sa Malabon at Navotas pa lang mula pa noong 2003, wala pa ring tunay na pagbabago. Ayon sa ulat ng COA, maraming proyekto ay hindi natapos, mababa ang kalidad, o hindi man lang umandar.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Hinikayat naman ng Cardinal ang mga taong Simbahan, partikular na ang mga parish volunteers na patuloy na maging daluyan at mukha ng awa at pag-asa ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong at pag-agapay sa mga nasalanta.
Pinasalamatan naman ni Cardinal David ang lahat ng mga patuloy na tumutulong at sumusuporta sa Caritas Kalookan at nanawagan sa lahat na sa kabila ng pagtaas ng tubig ay huwag magpatangay sa kawalan ng pag-asa sa halip ay magkapit kamay at magsama-sama sa pagmamalasakit, pananagutan, at pagbibigay pag-asa sa mga pinanghihinaan ng loob.

“Hinihikayat ko rin ang ating mga parish volunteers, lalo na sa social services, na tumulong sa mga evacuation centers at maging mukha ng awa ng Diyos sa mga nasalanta. Sa mga tahimik na nagbigay ng tulong sa Caritas Kalookan-maraming salamat po. Kung patuloy mang tumaas ang tubig, huwag sana tayong matangay ng kawalang-pag-asa. Magsama-sama tayo sa pagbaha ng malasakit, pag-asa, at pananagutan.” Ayon pa kay Cardinal David.

Una ng pinuna ni Cardinal David ang substandard flood control projects ng pamahalaan kung saan ibinahagi rin ng Obispo ang sitwasyon sa Caloocan, Malabon at Navotas na kapwa nasasakop ng Diyosesis ng Kalookan na muling nalubog sa baha ang mga komunidad at maging ang mga Simbahan kasunod ng sama ng panahon.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 28,497 total reads

 28,497 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 177,972 total reads

 177,972 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 212,647 total reads

 212,647 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 228,547 total reads

 228,547 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 265,033 total reads

 265,033 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 272,928 total reads

 272,928 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 28,498 total reads

 28,498 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top