Pag-alis ng VAT at discount, panawagan ng simbahan sa pamahalaan at oil companies

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,558 total views

Nanawagan ng pagkakaisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA) sa pamahalaan at mga pribadong kompanya na tugunan ang krisis sa gasolinang lubhang pinahirapan ang mga driver sa pampublikong sektor.

Ayon kay CBCP-ECPA Executive Secretary Father Jerome Secillano, kinakailangan sa panahon ngayon ay mahalagang mabawasan o tuluyang tanggalin muna ang Value Added Tax at iba pang uri ng buwis na ipinapataw sa suplay ng mga produktong petrolyo upang higit itong mapababa.

“Sa panig ng gobyerno, pwede nilang pansamantalang tapyasan ang Value Added Tax sa langis upang mapababa ang presyo nito sa merkado,” ayon sa mensaheng pinadala ni Father Secillano sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na mahalaga din ang pakikiisa ng mga pribadong kompanya, higit na ang mga kompanya ng langis sa mga public utility drivers at karaniwang mamamayan.

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang mga kumpanya ng langis na magbigay ng discount sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga tsuper.

Iginiit ni Fr.Secillano na hindi lamang ang pamahalaan ang kumilos kundi ang mga kumpanya ng langis na sa halip na makatulong maibsan ang krisis ay sila pa ang dahilan ng napakataas na oil price increase.

Hindi lang pamahalaan ang dapat umaksiyon para matulungan ang mga driver na dama ang hirap dala ng digmaan sa gitnang Silangan, Maaari ding tumulong ang mga pribadong kumpanya ng langis sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskuwento sa presyo ng gasolina sa mga namamasada,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Father Secillano sa Radyo Veritas.

Dahil sa lubhang pagtaas ng mga produktong petrolyo ay marami na sa mga jeepney driver at iba pang PUJ drivers ang nagsagawa ng transport strike at humihiling na rin ng pagtaas sa pamasahe.

Kumpara noong Enero kung saan umaabot lamang sa hanggang 70-piso ang presyo kada litro ng gasolina, 65-piso naman sa kada litro ng diesel at hanggang 75-piso naman sa kada litro ng kerosene, ngayon Abril sa pagsisimula ng ikalawang quarter ng 2026 ay umaabot na sa hanggang 120-piso ang kada litro ng gasolina, hanggang 170-piso naman sa kada litro ng diesel at hanggang 150-piso naman ang kada litro ng kerosene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 36,925 total views

 36,925 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 161,336 total views

 161,336 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 203,988 total views

 203,988 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 282,668 total views

 282,668 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top