Maging tunay na Church of the Poor sa gitna ng krisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,201 total views

Nanawagan si Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines sa simbahan ng pinaigting na pakikiisa sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan upang maging tunay na ‘Church of the Poor’.

Ipinaalala ni Bishop Alminaza ang pagsasabuhay ng mga kaugalian ng pagtitipid o austerity at pagkakaisa sa pagharap ng mundo higit na ng ekonomiya ng mga suliranin na idinudulot ng mga digmaan higit na ngayon sa gitnang silangan.
Sa pastoral letter ng Obispo, binigyang-diin ang nararanasang paghihirap ng mamamayan tulad ng mangingisda, public utility driver, at manggagawa na patuloy na naaapektuhan ng tumataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa sapat na kita para sa kanilang pamilya.

“Their suffering is not distant. It is immediate, concrete, and persistent. And yet, alongside these realities, there is a more difficult truth that we must face. There is a growing distance between the Church, especially its leaders, and the poor. This is not easy to admit, but it must be named. If we fail to confront it, we risk allowing it to become one of those tolerated evils—something we recognize as wrong, yet quietly accept over time,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi maaaring ipagwalang-bahala ang lumalawak na agwat sa pagitan ng Simbahan at ng mahihirap, partikular sa hanay ng mga lider nito.
Ayon pa kay Bishop ang Alminaza, ang austerity o pagtitipid at simpleng pamumuhay ay hindi lamang praktikal na hakbang kundi isang “prophetic witness,” kung saan kinakailangang magsimula ang pananagutan sa loob mismo ng Simbahan habang nananawagan ito ng transparency at accountability sa pamahalaan at mga kompanya higit na sa mga nangungunang industriya.

“As your bishop, I speak not from a place above this reality, but from within it. In the seminary, we are formed to live simply, to walk with the poor, and to remain close to the people. However, as years pass and responsibilities increase, there is a real danger that we become separated from these formative experiences. Our language changes, our lifestyle changes, and our distance grows. Without intending it, we begin to lose the ability to truly listen, to truly understand, and to truly feel the realities of those we are called to serve,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinikayat ang mga pari, relihiyoso, at layko na suriin ang kanilang paggamit ng yaman, bawasan ang hindi kinakailangan, at ilaan ang matitipid para sa mga higit na nangangailangan, bilang konkretong pagpapakita ng pakikiisa sa mahihirap.
Binigyang-halaga rin sa pastoral letter ang “Hayuma” o sama-samang pag-aayos ng sirang lambat, at ang prinsipyo ng “Ubuntu” na nagsasaad na “I am because we are,” bilang paalala ng magkakaugnay na dignidad at responsibilidad ng bawat isa sa lipunan.

Iminungkahi rin ni Bishop Alminaza ang pagtatatag o muling pagbuhay ng Caritas Kindness Stations at Kindness Stores sa mga parokya, kung saan maaaring sundin ang prinsipyong “Get what you need, give what you have,” upang maisulong ang kultura ng pagbabahaginan at malasakit sa komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 20,037 total views

 20,037 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 94,651 total views

 94,651 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 174,730 total views

 174,730 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 217,869 total views

 217,869 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 217,739 total views

 217,739 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top