Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagbigay ng 5.7-milyong pisong financial assistance sa 21-Diocese at Archdiocese sa bansa

SHARE THE TRUTH

 1,247 total views

May 15, 2020, 1:22PM

Umabot na sa P5.7 Million Pesos ang financial assistance na ibinahagi ng Caritas Manila sa may 21 Diyosesis sa Pilipinas na naapektuhan ng krisis dulot na mga ipinatupad na Community Quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Caritas Damayan, ang Disaster Response and Crisis Program ng Caritas Manila, Ang P5.7 Milyong piso ay nilaan para sa patuloy na isinasagawang relief operation ng 21 Diyosesis sa bansa sa mga mahihirap na residente na naapektuhan ng lockdown.

Pinakamalaki ang pondo na naibahagi sa Diocese ng Tagum sa Davao Del Norte, Antique at Romblon kung saan kapwa nakakuha ito ng tig P500 libong piso habang P300 libong piso naman ang sa Archdiocese ng San Fernando sa Pampanga, Diocese ng Ilagan sa Isabela at Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe sa Mt. Province at Ifugao.

Kapwa din nakakuha ng tig P200 libong piso ang Diocese ng Tarlac, Laoag Ilocos Norte, Sorsogon, Masbate, Libmanan, Daet Camarines Norte, Mati Davao Del Sur, San Jose Nueva Ecija, Virac Catanduanes, Legaspi Albay, Kalibo Aklan at mga Arkidiyosesis tulad ng Lipa sa Batangas, Nueva Segovia sa Ilocos Sur at Caceres sa Camarines Sur maging ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa sa Palawan.

“Tayo ay tumulong sa mahigit dalampung probinsya sa Luzon, Visayas at Midanao para maitulong din nila sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap na ngayon ay lalong nahihirapan dahil sa paghinto ng kanilang mga hanap-buhay maging sila ay nasa mga probinsya” Pahayag ni Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila.

Ang tulong ay naipa-abot sa pamamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga apektadong Diyosesis.

Magugunitang unang nagsagawa ng pagbabahagi ng mga Gift Certificates ang Caritas Manila katuwang mga Business Sector sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan gaya ng Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite na umabot sa mahigit P1.3 Bilyong piso.

Patuloy din ngayon ang relief distribution ng nasabing Social Arm ng Archdiocese of Manila sa iba’t-ibang mga Parokya, kongregrasyon at Church Organizations kung saan umabot na sa mahigit 630 libong indibidwal ang kanilang naaabot o halos 120 libong Pamilya.

Kaugnay nito, umaabot na sa 10.8-milyong individuals ang nabigyan ng tulong ng Simbahang Katolika na apektado ng COVID-19 pandemic.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,651 total views

 6,651 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,635 total views

 24,635 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,572 total views

 44,572 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,761 total views

 61,761 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,136 total views

 75,136 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,675 total views

 16,675 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 11,387 total views

 11,387 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 87,172 total views

 87,172 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top