Mamamayang apektado ng bagyong Ambo, ipinagdarasal ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,503 total reads

May 15, 2020, 2:08PM

Ipinanalangin ng obispo ng Calbayog ang mamamayang naapektuhan ng bagyong Ambo partikular ang ilang lugar sa Samar kung saan unang sinalanta noong ika – 14 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Isabelo Abarquez, nawa’y huwag mawalan ng pag-asa ang mga Filipino sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap na bukod sa bagyo ay patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa pandemyang bunsod ng corona virus.

Hinikayat ng obispo ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin sa Diyos na ipag-adya sa anumang kasamaan lalo’t higit sa krisis pangkalusugang naranasan.

“Sana hindi tayo mawalan ng pag-asa, patuloy tayong magdasal lalo’t mayroong dalawang kinakaharap ngayon ang COVID 19 at ang bagyong Ambo,” pahayag ni Bishop Abarquez sa panayam ng Radio Veritas.

Unang nag-landfall ang bagyong Ambo sa San Policarpo Eastern Samar kung saan dala nito ang malakas na ulan at hangin.

Batay sa salaysay ni Bishop Abarquez, naranasan ang epekto ng bagyong Ambo sa Calbayog Samar ganap na alas singko ng hapon hanggang maghahatinggabi kung saan nanalasa ang malakas na hangin dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar.

Aniya, wala pang naiulat na mga nasira sa kanilang lugar ngunit sinabi nitong ang mga residente sa coastal areas ay lumikas sa La Milagrosa Family na eskwelahan sa ilalim ng pamamahala ng mga madre.

Hamon ng obispo sa bawat isa na manalangin upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay.

“Hindi tayo pinababayaan ng Diyos, tuloy ang ating pagdarasal na sana malampasan natin itong COVID 19 tsaka yung apektado ng bagyo, sana sama-sama at magtulungan sa isa’t isa na makalampas na natural calamity na ito,” dagdag ni Bishop Abarquez.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 546 total reads

 546 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,199 total reads

 5,199 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,250 total reads

 43,250 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,521 total reads

 269,521 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,987 total reads

 162,987 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,742 total reads

 256,742 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top