CBCP-ECPPC, nag-alay ng healing prayer kay Bishop Arigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,725 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care para sa agarang paggaling ni Puerto Princesa Bishop-emeritus Pedro Arigo.

Pinangunahan ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio – chairman ng prison ministry ng CBCP ang pag-aalay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Bishop Arigo na kasalukuyan nang nasa stable condition matapos ang matagumpay na pagsailalim sa brain surgery sa Cardinal Santos Medical Center noong Sabado ika-13 ng Enero, 2024.

Ayon kay Bishop Florencio, nawa ay maging mabilis ang paggaling ni Bishop Arigo at biyayaan ng Panginoon ng patuloy na lakas upang makapaglingkod sa Simbahan.

Pagbabahagi ni Bishop Florencio, kahanga-hanga ang adbokasiya at misyon ni Bishop Arigo lalo’t higit para sa prison ministry ng Simbahan kung saan makailang termino din na naglingkod si Bishop Arigo bilang chairman ng CBCP-ECPPC.

“My prayer for Bp. Pedro Arigo former chairman of the ECPPC is that God may give him more strength to serve the church even in his capacity as emeritus bishop and former chairman of the ECPPC. And that as he recovers from the hospital bed may he continue to inspire all of us especially the ECPPC to continue our mission sa mundong ito. More power and get well soon.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Bilang chairman ng prison ministry ng CBCP mariing isinulong ni Bishop Arigo ang pagbabago sa Punitive Mentality na namamayani sa bansa kung saan lubos ang pagkundina, pagpaparusa at pagpapanagot sa mga nagkasala na maituturing na pagkakait ng pangalawang pagkakataon sa mga ito upang makapagsisi, makapagbalik-loob at makapagbagong buhay.

Matatandaang una ng humiling ng panalangin ang Diocese of Imus para sa agarang paggaling ni Bishop Arigo matapos ang matagumpay na pagsailalim sa brain surgery noong Sabado ika-13 ng Enero, 2024.

Matapos na dalawang dekadang pagsisilbing bilang punong pastol ng Puerto Princesa mula ng maitalaga sa katungkulan ni St. John Paul the 2nd noong February 23, 1996 ay nagretiro si Bishop Arigo sa kanyang posisyon noong October 28, 2016.

Kasalukuyang naninirahan si Bishop Arigo sa kanyang hometown sa Cavite na sakop ng Diocese of Imus at tumutulong sa mga gawaing pagpapastol sa diyosesis lalo na ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa mga parokya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,385 total reads

 3,385 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,523 total reads

 55,523 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,889 total reads

 140,889 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,625 total reads

 187,625 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 235,497 total reads

 235,497 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 336,763 total reads

 336,763 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top