Walang dapat maiwan sa edukasyon

SHARE THE TRUTH

 119,825 total views

Mga Kapanalig, prank o biro lang sana, ayon kay Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, ang utos ng Commission on Higher Education (o CHED) na itigil na ng mga state universities and colleges (o SUCs) at maging ng mga local universities and colleges (o LUCs) ang pagtanggap ng senior high school students o ang mga papasok na grades 11 at 12. Tanong ng mambabatas, bakit daw hinayaan ng CHED at ng Department of Education (o DepEd) na mag-enroll ang mga estudyante sa mga institusyong ito kung palilipatin din naman sila ng paaralan?

Noong Disyembre, naglabas ng isang memorandum ang CHED na inaatasan ang pamunuan ng mga SUC at LUC na ihinto na ang kani-kanilang senior high school program. Wala raw kasing legal na batayan ang programa at samakatuwid ay hindi na mapopondohan. Paliwanag ng chair ng CHED na si Prospero de Vera III, ang pagkakaroon ng mga SUC at LUC ng senior high school program ay dapat na limitado lamang sa limang school years simula noong 2016. Dapat na natapos ito noong school year 2020-2021.

Sa ilalim pa ng batas, ang iniaalok lang dapat ng SUC ay mga degree courses o mga kursong pangkolehiyo, hindi mga klase para sa mga nasa high school. Pero dahil sa paglipat natin sa K-12 program na nagdagdag ng dalawang taong senior high school sa tinatawag na basic education, kinailangan ang tulong ng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo upang punan ang kakulangan sa mga guro at silid-aralan. Sa panahong ito, nagbibigay ng subsidiya ang DepEd sa mga senior high school students sa mga unibersidad at kolehiyo, bagay na matatapos na nga dahil nagwakas na ang transition period sa pagpapatupad ng K-12 program.

Mahigit 17,000 na estudyanteng nasa grade 11 ang tinatayang maaapektuhan ng tuluyang pagsasara ng senior high school program sa mga SUC at LUC. Sa susunod na school year, maaari—o baka nga mapilitan—na lumipat sa mga pampublikong high school ang mga estudyanteng ito. Sa mga gustong lumipat naman sa mga private high school, pwede rin namang mag-apply sa voucher program upang mabawasan ang babayarang tuition fee. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, binanggit ni CHED Chairman de Vera na pag-uusapan pa niya at ng pamunuan ng DepEd ang tungkol sa subsidiya para sa mga pampublikong unibersidad na mayroon pang senior high school students sa susunod na school year.

Tiyakin nga sana ng DepEd na handa na ang mga pampublikong high school na tanggapin ang mahigit 17,000 na mga grade 11 students sa kasalukuyan na papasok naman sa grade 12 sa susunod na school year. Malaking adjustment ang kailangang gawin ng mga bata pati na rin ng kanilang mga magulang. Malaking epekto rin ang dadalhin nito sa mga gurong maaaring madagdagan din ang mga tuturuang estudyante. Gaya nga ng sinabi ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro, nagsagawa sana ang DepEd at CHED ng sapat na konsultasyon sa mga estudyante, mga magulang, at mga guro bago sila nagpalabas ng kanilang mga kautusang tila binigla sila.

Sa ganitong mga hakbang ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, hindi maiiwasang pangambahang may maiiiwan sa kanilang pagkatuto. Hindi ito dapat nangyayari. Mahalagang bahagi ang edukasyon ng kabuuang kagalingan o well-being ng tao. Wika nga sa Mga Kawikaan 4:13, “Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan.” At katulad ng sinasabi sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, tungkulin ng gobyernong tiyaking nariyan ang mga kondisyong tutulong sa mga mamamayang makamit ito. Kaya naman, dapat nakatuon sa kapakanan ng taumbayan ang anumang patakaran o programang ipinatutupad nila.

Mga Kapanalig, sa usaping edukasyon, hindi dapat maging hadlang ang gobyerno.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,027 total views

 75,027 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,673 total views

 86,673 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 95,920 total views

 95,920 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,717 total views

 101,717 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,105 total views

 114,105 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,028 total views

 75,028 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,674 total views

 86,674 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 95,921 total views

 95,921 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,718 total views

 101,718 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,106 total views

 114,106 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,672 total views

 64,672 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,883 total views

 99,883 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,718 total views

 145,718 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,736 total views

 146,736 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,502 total views

 120,502 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,561 total views

 117,561 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,603 total views

 118,603 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,032 total views

 123,032 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,232 total views

 137,232 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,685 total views

 147,685 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top